Default Thumbnail

Kelot pinalo ng tubo, dedo

October 7, 2022 Jonjon Reyes 282 views

NAMATAY habang inoobserbahan sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ang isang 37 anyos na lalaki makaraang paluin ng tubo , madaling araw nitong Biyernes sa Intramuros, Manila.

Nakilala ang biktima na si Mero Molidias, binata, ng Maria Natividad St., Sta.Cruz, Manila.

Kusang loob namang sumuko sa tanggapan ni Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, Commander ng Ermita Police Station 5 ang suspek na si Magellan Barotea, 39 , may asawa stay-in worker sa ginagawang tulay ng Binondo Bridge sa Plaza Mexico, Magallanes , Intramuros.

Batay sa ulat ni PLt.Dennis Turla, bandang 12:10 a.m., lasing umano ang biktima na parang naghahamon ng away na nasa kalsada.

Dito na umano naalimpungatan ang suspek at pilit umano nitong sinasaway ang umano’y lasing na biktima.

Subalit dito na umano pinanginitan ng lasing na biktima, hanggang sa magsuntukan sila na nauwi sa pamamalo.

Kalaunan ay nakakuha ng tubo si Barotea, at pinalo nito sa ulo ang biktima.

Ilang mga kasamahan ang nagsugod sa biktima sa pagamutan, subalit dakong 7:31 a.m. nang bawian ito ng buhay.

Itinurnover si Barotea sa tanggapan ni Police Lieutenant Dennis Turla, hepe ng MPD- Homicide Section Headquarters sa U.N Ave,Ermita Manila.

Kasama sina Det. Dennis Suba at Det.Jonathan Bautista sa pagsagawa ng imbestigasyon.

AUTHOR PROFILE