Default Thumbnail

Dalagitang nakigamit ng Internet sa tiyahin ‘minanyak’

October 7, 2022 Edd Reyes 423 views

GINAPANG ng 36-anyos na lalaki ang dalagitang pamangkin ng kanyang live-in partner nang makatulog ang biktima sa bahay ng tiyahin habang gumagawa ng kanyang asignatura Huwebes ng gabi sa Navotas City.

Nagising ang dalagita nang maramdaman ang mainit na labing dumadampi sa kanyang murang dibdib habang hawak ang kanyang likurang bahagi kaya’t hindi na itinuloy ng lalaki ang kahalayan at mabilis na umakyat patungo sa kanilang silid na nasa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Dito na isinumbong ng dalagita sa kanyang ina at pinsan ang kahalayang ginawa sa kanya ng itinuturing na niyang tiyuhin kaya’t humingi ng tulong sa pulisya ang mga magulang ng bata.

Nagresponde naman kaagad sina P/Sgt. Sherwin Mendoza, P/Cpl. Gilbert Tolin at Pat. Ismael Reyes ng Navotas Police Sub-Station 1 na nagresulta sa pagkakadakip sa manyakis na suspek.

Lumabas sa imbestigasyon ng Navotas Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD) na nagtungo sa bahay ng kanyang tiyahin sa Socialized Housting, Tanza II ang dalagita nang mawalan sila ng Internet upang doon gawin ang kanyang leksiyon.

Dakong alas-10 ng gabi nang makatulog ang dalagita sa sobrang pagod hanggang magising siya dakong alas-11:40 ng gabi matapos maramdaman ang kahalayang ginagawa sa kanya ng live-in partner ng kanyang tiyahin.

Kasong “acts of lasciviousness in relation to R.A. 7610” o ang “Special Protection against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act” ang isinampa ng WCPD laban sa suspek sa piskalya ng Navotas.

AUTHOR PROFILE