Default Thumbnail

Kelot nagbigti sa tabi ng nobya

April 25, 2023 Jonjon Reyes 275 views

ISANG 33-anyos na lalaki ang nagpatiwakal diumano sa pamamagitan ng pagbigti gamit ang kumot habang katabing matulog ang nobya sa kanilang kuwarto sa San Andres, Bukid, Maynila Martes ng madaling araw.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima ay isang mensahero umano at naninirahan sa Nakar Street, San Andres Bukid, Maynila.

Sa ulat ni Det. Jason Ibasco na isinumite kay P/Capt. Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, bandang 4:00 ng madaling araw (Abril 25), nang madiskubre ng nobya ang biktima na may nakapulupot na kumot sa leeg nito at nakatali umano sa pinto.

Bago mangyari ang insidente, nag-inuman pa umano ang mag-nobyo at umabot ito ng dakong 12:00 ng hatinggabi ng Martes.

Sa salaysay ng girlfriend ng biktima, magkatabi pa sila umanong natulog ngunit matapos maalimpungatan ay saka tumambad sa kanya ang nakabigting boyfriend.

Mabilis na kinalag ng kasintahan ang kumot at saka humingi ng saklolo para isugod sa Ospital ng Maynila subalit idineklara na itong “dead on arrival” ng doktor.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at sa motibo ng pagpapatiwakal ng biktima.

AUTHOR PROFILE