Default Thumbnail

Motor sinalpok ng van, nahulog sa bangin; 2 dedo

April 25, 2023 Jojo C. Magsombol 230 views

PATAY ang lalaking rider at ang babaeng back ride nito matapos aksidenteng mabangga ng isang van ang kanilang sinasakyang motorsiklo at mahulog sa malalim na bangin habang binabaybay ang Sumulong Highway, Sta. Cruz, Antipolo City, Rizal, Sabado ng gabi.

Ayon sa Antipolo City police, ang dalawang nasawi ay parehong nasa hustong gulang.

Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alaman ng pulisya na sakay ng motorsiklo ang dalawa at patungo sa Antipolo City dakong alas-6:30 ng gabi, Abril 22, nang aksidenteng mabangga ng isang Toyota Innova van na minamaneho ng isang lalaki kasama ang kanyang asawa at dalawang taong gulang na anak na lalaki sa loob ng nasabing sasakyan.

Tumilapon ang rider at ang angkas nito mula sa motorsiklo at bumagsak sa bangin na may lalim na dalawampung talampakan.

Mabilis naman na isinugod sa Ospital ng Fatima ang suspek na driver at ang kanyang asawa at anak para sa mga tinamong sugat.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa insidente.

AUTHOR PROFILE