Suspek

MWP TUMAKAS NG NAKAHUBO!

April 25, 2023 Jonjon Reyes 282 views
Suspek1
Ang suspek nang maaresto at matapos bigyan ng damit ng mga otoridad.
Mga kuha ni JON-JON C. REYES

SUMABIT at nalaglag sa paanan ng tumatakas na most wanted person (MWP) ang kanyang shorts at briefs. Dahil hirap kumilos, tuluyang hinubad ng suspek at tumakbo ng hubo hanggang maaresto.

Ang MWP ay naaresto ng mga operatiba ng Manila Police District-Lawton Police Community Precinct Lunes ng hapon sa Hidden Garden, Arroceros Street, Ermita, Manila.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, Manila Police District Ermita Police Station 5 commander ang suspek na si Elpidio Labasbas, walang trabaho, ng Barangay 659, Lawton Street, Ermita.

Base sa ulat ni Police Captain Jose Gumilan, hepe ng Lawton Police Community Precinct, bandang 1:15 p.m. nang may magsumbong sa kanilang himpilan kaugnay sa MWP na namataan sa loob ng Hidden Garden sa nasabing lugar.

Agad na tinungo nina PCapt. Gumilan kasama ang ilan nitong mga tauhan ang lugar para arestuhin ang suspek.

Subalit bago pa man isinilbi ang arrest warrant ng suspek, bigla umano itong nagtatakbo papalayo sa mga operatiba hanggang sa bumangga ito sa motorsiklo at sumabit ang kanyang suot pang ibaba,

Dahil sa hirap siyang tumakbo agad nitong hinubad ang kanyang kasuotan kasama ang kanyang underwear, hanggang sa makorner ito ng mga kapulisan sa isang island.

Habang inaakay ang suspek, sinubukan pang maghanap ng mga kapulisan ng pantakip sa kanyang pang ibaba subalit wala silang makita.

Ayon sa report ng pulisya, si Labasbas ay wanted sa batas sa kasong paglabag sa Ominibus Election Code of the Philippines ( BP 881 na inamiyendahan sa Republic Act 7166) na inisyu ni Judge Manuel I.R.A V. Barrios, ng RTC Branch 126 Caloocan City.

Ang suspek ay pinapayagang magpiyansa sa halagang P36.000 para sa kanyang pansamantalang paglaya,

AUTHOR PROFILE