Default Thumbnail

Kelot may baril habang naglalaro ng cara y cruz, tiklo

October 23, 2022 Jonjon Reyes 309 views

HINDI na nagawang makatakbo ang dalawang lalaki , sa kasagsagan ng pagsusugal sa kalye ng cara y cruz ,kung saan nakitaan ng baril na may dalawang bala sa Onyx St., San Andres Bukid, Manila, Sabado ng hapon.

Kinilala ni Police Brigadier General Andre Perez Dizon ang dalawang naaresto na sina alyas ” Bunso”, 37, ng Onyx St., San Andres Bukid at isang alyas ” Reygie” 34 ng Tabora St., Binondo, Manila.

Ayon sa ulat ni Police Major Rommel Purisima, hepe ng District Special Operation Unit ng Manila Police District, bandang 3 p.m. nang namataan nila ang umpukan ng mga tao sa Onyx St., sa Barangay 775 Zone 84 sa San Andres Bukid.

Dito nila nakita na nagsusugal ang mga kalalakihan. Nang mamataan silang dumarating , nagkanya kanya umano ng takbo ang mga nagsusugal hanggang dalawa lamang ang natimbog.

Laking gulat ng mga operatiba, nang makapkapan ang isa sa dalawang naaresto at nakitaan ito ng baril at dalawang bala.

Dahil dito, isinasailalim sa imbestigasyon kung ginagamit nila ang baril sa panghoholdap , habang kapwa ito nasa kustodiya ng DSOU.

Sa initial na kaso, sinampahan ng 1602 ang dalawa at ang isa rito ay nahaharap sa kasong Illegal Possesion of Firearm and Ammunition.

Ayon pa kay MPD Director PBGen. Dizon.malaking bagay ang pagpapatuloy na pinaiiral ang Simultaniuos Anti- Criminality Law Operation lalo na ngayong nalalapit na ang araw ng Pasko.

Kung kayat sa direktiba ni General Dizon,walang humpay ang ginagawang paglilibot nila Purisima at ang mga operatiba nito.

AUTHOR PROFILE