Salvage Kinikilala ng homicide investigator ang natagpuang bangkay ng lalaki sa Tondo, Maynila. Kuha ni JONJON C. REYES

Kelot lumutang sa estero; nakatali na tadtad pa ng bala

December 11, 2022 Jonjon Reyes 129 views

PINANINIWALAANG biktima ng ” summary execution” ang lalaking natagpuang nakalutang sa estero de Vitas, Tondo, Manila, iniulat ng pulisya.

Nakatali ng maskaing tape ang mga kamay at tadtad ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang hindi pa nakikilalang biktima. Pinaniniwalaang nasa 25 hanggang 30 anyos ito, 5’5 ang taas, at may tattoo sa dibdib ng “Mendoza” at ” Austine” sa likurang bahagi ng katawan..

Base sa ulat ni Police Lieutenant Dennis Turla, hepe ng Manila Police District- Homicide Section , bandang 12:40 p.m. nitong Biyernes nang matagpuan ng isang 36-anyos nabarangay tanod, residente ng Bldg.26 Vitas , Katuparan, Tondo ang biktima na nakalutang sa creek ng Estero De Vitas sa panulukan ng Mel Lopez Boulevard at Rodriguez Extension sa Brgy.128 sa Tondo.

Ayon sa ng tanod, habang naglalakad umano ito sa gilid ng estero ay madiskubre niya ang bangkay.

Agad ipinagbigay alam ng tanod ang insidebte sa mga barangay officials.

Ipinagbigay alam rin ang nasabing insidente sa Smokey Mountain Police Community Precinct na sakop ng MPD- Station 1.

Itinawag nila ito sa MPD- Homicide Section at dito na nagtungo sa bangkay ang mga operatiba na sina Pcpl.Jamie Balang,at PSSg.John Teody Siguen, kasama ang mga tauhan ng Forensic Expert sa pangunguna ni Police Captain Geovanni Brinquez at kinunan ito ng fingerprint para sa pagkakakilanlan sa biktima.

Ang bangkay ay pansamantalang inilagak sa Cruz Funeral Morgue para sa kaukulang awtopsiya.

AUTHOR PROFILE