Default Thumbnail

Kelot dedo sa saksak ng ‘ex’ ng jowa

August 25, 2022 Jonjon Reyes 226 views

NAMATAY habang inoobserbahan sa pinagdalhang pagamutan ang isang 25-anyos na lalaki, makaraang saksakin ng dating ka-live in ng kanyang “jowa” matapos na maaktuhan magkatabi sa higaan sa Tondo, Maynila, Miyerkules ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Jean Syrus Buenafe, 22, tricycle driver, ng G. Santiago Street, Bo. Obrero sa Tondo.

Si Buenafe ay nagtamo ng saksak sa katawan habang ang suspek na residente ng R. Cruz, St., Gagalangin, Tondo ay itinurn over na sa Manila Police District (MPD) Homicide Section para sa kaukulang imbestigasyon.

Batay sa ulat ni P/Lt. Dennis De Jesus, bandang 10:30 ng umaga nang maganap ang pananaksak sa mismong bahay ng isang dating ka-live in ng suspek sa P. Fronda St. Gagalangin, Tondo.

Sa report ng pulisya, nagtungo umano ang suspek sa bahay ng dating ka-live in at pagpasok sa kuwarto ay nakita nito na magkatabing nakahiga ang biktima at dating niyang kinakasama.

Sa sobrang pagseselos, pumunta umano ang suspek sa kusina at kumuha ng kutsilyo at saka tinarakan ang biktima ng saksak.

Nagawa pang makipagbuno ng biktima bago naihatid sa pagamutan pero namatay din ito dakong 6:25 ng gabi nitong Miyerkules.

Kasong murder ang kakaharapin ng suspek na kasalukuyang nakakulong sa MPD Headquarters.

AUTHOR PROFILE