Crime

Kelot binaril sa leeg, dedo

November 12, 2023 Jojo C. Magsombol 253 views

ISANG lalaki ang namatay nang barilin ng hindi kilalang salarin habang pauwi ng bahay sa Barangay San Jose, Antipolo City sa Rizal noong Sabado.

Ayon sa Antipolo City police, naglalakad ang biktima at pauwi na ito sa kanyang bahay bandang alas-2 ng madaling araw nang biglang sumulpot ang salarin at pinagbabaril ang biktima.

Tinamaan sa leeg ang biktima na naging dahilan ng kamatayan nito.

Tumakas ang suspek patungo sa hindi natukoy na lugar matapos ang insidente dala ang kalibre .45 na baril.

AUTHOR PROFILE