Keana1

Keanna matapang na inilahad ang tunay na buhay

May 2, 2022 Aster Amoyo 167 views

Keana2Keana3KeanaSEVENTEEN years old pa lamang noon ang actress-comedienne na si Keanna Reeves nang siya’y mag-asawa not because gusto niya kundi dahil nagising umano na nasa kuwarto na umano siya ng kanyang naging mister matapos siyang malasing sa isang inuman kasama ang kanyang mga kaibigan.

Hindi ikinakaila ni Keanna na naging pasaway umano siya sa kanilang limang magkakapatid dahil umano sa pagiging strict ng kanyang parents. Ang kanyang ama ay isang chemical engineer habang teacher ang kanyang ina.

“Hindi ko naman noon naintindihan na gusto lamang nila ako protektahan. Naging barkadista ako at natutong uminom at a young age,” pag-amin ni Keanna.

Ayon sa aktres, hindi umano pabor ang kanyang parents na siya’y pakasal dahil wala pa umano siya sa edad at hindi pa nito kaya ang maging pamilyadong tao sa murang edad pero dahil may nangyari na sa kanila ng kanyang (dating) mister at kaya naman siyang pangatawanan, sinuway niya ang kanilang kagustuhan.

“Dapat nakinig ako sa kanila (parents) at tinapos ko dapat ang pag-aaral ko. Pero matigas talaga ang ulo ko,” pag-amin pa niya.”

“Nangako ang husband ko noon na magpapatuloy ako sa pag-aaral pero hindi na ito natuloy dahil sobra siyang seloso at sinasaktan niya ako,” patuloy niya.

Tumagal din ang kanilang pagsasama ng sampung taon at nagkaroon na sila ng dalawang anak na parehong lalaki.

“Dahil sa maaga kong pag-aasawa, hindi ko na na-enjoy ang pagiging teen-ager at hindi ko natapos ang pag-aaral. Nakulong na ako sa buhay may-asawa na naging kalbaryo sa akin. Pero ang nag-udyok sa akin na maglayas ay ang pananakit niya sa akin at wala na akong kalayaan,” patuloy pa niya.

Malilit pa ang dalawa niyang anak at wala pang isang taon ang kanyang bunso nang siya’y maglayas.

“Mabigat sa loob ko na iwan ang mga anak ko. Pero wala akong kapasidad na buhayin sila noon dahil hindi ko pa alam ang magiging takbo ng buhay ko matapos akong maglayas,” salaysay pa niya.

Sa Maynila napadpad si Keanna at pansamantalang nanirahan sa isang kamag-anak ng dati niyang mister na malapit sa kanya. Palibhasa’y hindi nakapagtapos ng pag-aaral at walang alam na trabaho, napunta si Keanna sa pagbebenta ng aliw na na- enjoy umano niya noon dahil easy money. Madali siyang kumita ng pera. Madalas umano siyang tumatambay noon sa mga lounge at lobby ng hotel at ‘mabili’ umano siya dahil parati umano siyang nakaayos at asset niya ang pagiging seksi. Karamihan sa kanyang clients ay mayayamang businessmen at politicians. Meron pa umano siyang alok noon na ibahay ng kanyang mayayamang kliyente pero siya umano ang umayaw.

Nahinto lamang ang dating gawain ni Keanna nang ibulgar niya sa programang “The Buzz” talk show show noon nina Kris Aquino at Boy Abunda ang pagkakaroon niya noon ng mga kliyenteng politicians kaya natakot na umano ang mga ito na kunin ang kanyang serbisyo.

Nag-iba ang buhay ni Keanna nang makapasok siya sa reality program ng ABS-CBN, ang “Pinoy Big Brother” in 2006 at kung saan siya ang tinanghal na na Big Winner. Nakapag-uwi siya ng P4-M worth of cash and other prizes at pagkatapos nito ay minanage na umano siya ng King of Talk at talent manager na si Boy Abunda. Palibhasa’y may pera at may trabaho bilang actress-comedienne, nagpabaya naman siya sa kanyang trabaho at mas hinarap niya ang barkada at gimik kaya sa kalaunan ay binitawan siya ng talent managemeni ni Boy Abunda at unti-unti ring naubos ang kanya pera.

Paano naka-survive si Keanna nung kasagsagan ng Covid-19 kung saan marami ang nagutom at nawalan ng trabaho?

“Nag-online selling ako ng mga damit at kumita ako kahit papa’no,” aniya,

Samantala, hindi annulled si Keanna sa kanyang mister kahit meron na itong ibang pamilya ngayon.

Duterte ang apelyido ng kanyang ex-husband from Cebu kaya bitbit pa rin niya ang apelyidong Duterte hanggang ngayon. In real life, she is Janet Derecho-Duterte sa kanyang legal documents. Kahit hindi niya naalagaan ang kanyang dalawang anak hanggang sa kanilang paglaki, close umano siya sa mga ito.

“Ang mga anak ko ang buhay ko,” aniya. “Sila ang dahilan kung bakit ayaw kong ipa-annul sa kasal ko sa tatay nila dahil ayoko silang maging illegitimate children,” paliwanag pa ni Keanna na umaasang magiging aktibong muli sa kanyang showbiz career.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE