kim chiu

Tweet ni Kim, kinuyog ng bashers

May 1, 2022 Ian F. Fariñas 159 views

Kinukuyog na naman ng bashers si Kim Chiu dahil sa tweet niya recently.

Nirepost ni Chinita Princess ang isang article kung saan ay nakasaad na tumanggi ang spokesperson ni presidentiable Bongbong Marcos na si Vic Rodriguez sa hamong one-on-one debate kay BBM.

Sa comment section ay marami ang sumagot na ‘yun kasi ang trabaho ng isang spokesperson.

“Kaya nga tinawag na spokesperson! Anu ba naman yan Kim Chiu mindset ba mindset,” sagot ng isang netizen.

“Unang una Kim your hashtags doesn’t fit in your tweet, mag read between the lines ka! Pangalawa, alamin mo ang trabaho ng spokesperson. Ayan ka nanaman banat ka ng banat di ka muna mag isip. How many instances na nga that you are being careless on what you’re saying?” sey naman ng isa pa.

Pero marami rin naman ang nagtanggol sa kanya, especially ang mga kapwa niya KakamPink.

At siyempre, naglabu-labo na rin ang mga supporter ng dalawang leading candidates at nag-away-away na rin sila sa tanong na ni-raise ni Kim.

Bilang sagot ay muling nag-tweet si Kim at sinabing ready siya sa mga bashing.

“Natatawa ako sa mga peepz! Hahaha wala atang sagot na maayos, kaya ready na me for #RENEWALOFBASH lels. Bahala kayo magkagulo jan! yun ay out of curiosity lamang powz. Kaya nga po nagtanong.. hihihi (PS namimiss ko na mag peace sign) — kim chiu,” tweet ni Kim.

AUTHOR PROFILE