Kawani ng gobyerno nasapul ng bisikleta

March 21, 2022 Jonjon Reyes 175 views

KASALUKUYANG nasa pagamutan dahil sa tinamong ang isang 34-anyos na kawani ng gobyerno makaraang mabundol ng bisikleta habang nakatayo at nag-aabang ng masasakyan sa Quiapo, Maynila, Linggo ng umaga.

Nakilala ang biktimang si Ramon Kristofer Carrasco, isang government employee, binate, ng Basa 1 Compound, Zapote, Las Piñas City.

Samantala, nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting in physical injury si Jhamie Aizceth Castro, 18, binata, estudyante, ng N. Zamora St., Pandacan.
Batay sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit, bandang alas-6:30 ng umaga, nang maganap ang aksidente sa Northbound Lane ng Quezon Boulevard, malapit sa Globo De Oro St., sa Quiapo.

Sa kuha ng CCTV (closed-circuit television) camera sa Bgy. 384 Zone 39, sa ilalim ni Punong Barangay Khalil Fundoma, paparating noon ang binate nang mawalan ng kontrol sa bisikleta.

Inakala umano nito na ang biktima ang iiwas subalit natumbok niya ito at tumama ang ulo ng biktima sa sementadong kalsada.

Mabilis naman naisugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktima at ayon sa pagsusuri ng Neurosurgenon Dr. Van Battad, “brain injury” ang tinamo ni Castro kaya isinailalim ito sa operasyon.

Isang Alexandria Mary Carrasco na pinsan ni Castro ang nagbigay ng pagkakakilanlan sa biktima. Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE