4 nasakote sa P510K shabu sa Tondo

March 21, 2022 Jonjon Reyes 142 views

APAT na indibidwal kabilang ang isang 27-anyos ang binitbit sa inilatag na buy-bust operation sa Tomas Mapua St. sa Tondo, Maynila, umaga nitong Linggo.

Nakilala ang target ng operasyon na si John Paul Varona, binata, tambay ng CM Recto Avenue sa Bgy.11, Tondo.

Tatlo umano rito ang kasabwat ni Varona na sina Regina Garino, 50; Shirly Nicolas, 45; at isang Angela Quirimit, 18.

Base sa ulat na isinumiti ni P/Cpl. Mark Anthony Navarro kay P/Lt. Col. Robert Domingo, commander ng Manila Police District-Jose Abad Santos Police Station 7, bandang alas-7:00 ng umaga nang magsagawa ng anti-drug operation sa nabanggit na lugar sa Tondo.

Ayon kay P/Lt. Joan Durado, hepe ng Station Drug Enforcement Unit ng MPD-Station 7, isa sa kanyang team ang nagkunwaring bibili ng shabu.

Nang magpositibo ang operasyon, dito na sila dinamba ng mga operatiba at narekober ang 7 plastic sachets ng shabu, isang bulto katumbas ng halos 75 gramo na may street value na P510,000.

Dahil dito, pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) ang mga suspek. Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE