Kathryn

Kathryn, pinasalamatan ni Daniel sa muling pagpirma sa ABS-CBN

February 12, 2024 Vinia Vivar 124 views

Hindi nakalimutang pasalamatan ni Daniel Padilla ang ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo sa kanyang contract signing with ABS-CBN kahapon, Feb. 12.

Inisa-isa ni Daniel ang mga taong nais niyang pasalamatan sa buong journey ng kanyang career at si Kathryn ang kanyang pinakahuling binanggit.

“Siyempre, hindi ko pwedeng kalimutan si Kathryn. Maraming, maraming salamat, Kathryn, sa ating maraming taon na pinagsamahan. You know, hinding-hindi mawawala sa puso ko ang magaganda nating memories at ating mga adventures at journeys na pinagsamahan. Thank you very much,” pahayag ni Daniel sa napanood namin sa live streaming ng kanyang contract signing.

Pinasalamatan din ng aktor ang KathNiel fans sa lahat ng pinagsamahan nila at sa support na ibinigay sa kanila ni Kathryn.

“Sa lahat ng KathNiel, maraming, maraming salamat sa lahat ng taon na pagmamahal at pagsasama natin. Hinding-hindi mawawala sa puso ko at sa aking memories ang ating masasayang pinagsamahan, Diyos ko, all good memories for me at walang-walang makakatalo du’n sa mga memories na ‘yun.

“And for me, wala pa ring fans club na makakatalo sa KathNiel. Sorry, but it’s true,” pahayag ni DJ.

Ibinahagi rin ni Daniel ang kanyang learnings sa mga hindi magandang pangyayari sa kanyang buhay.

“Ganu’n talaga ang buhay, you know. Kailangan nating tanggapin na may mga pangyayari na hindi man sang-ayon sa atin o hindi man natin gusto, pero it was bound to happen.

“Ganu’n talaga. I think, planado ng Diyos ang lahat ng bagay at sa Kanya ko na lang ibinibigay ang lahat,” aniya.

AUTHOR PROFILE