Bea1

Bea at Dominic, ’di sinagot ang mga haka-haka sa likod ng hiwalayan

February 12, 2024 Jun Nardo 124 views

KINUMPIRMA na nga nina Bea Alonzo at Dominic Roque ang breakup sa joint statement na inilabas nila nitong nakaraang araw.

Pero wala pa rin silang ibinigay na dahilan, huh!

Wala rin silang denial sa ispekulasyong naglabasan tungkol sa diumano’y condo na bigay kay Dom at sa latest issue na pagpapaimbestiga umano sa isang gasolinahan kung saan sangkot din ang pangalan ni Dom.

Lumalabas tuloy na hindi mabuting tao ang aktor, huh!

Sa kanya kasi ibinubunton ng sisi sa hiwalayan.

Pero si Bea, walang bahid-dungis, malinis?

Hangga’t walang kongkretong dahilan na inilalabas ang dalawa, hindi matitigil ang mga haka-haka tungkol sa totoong rason ng hiwalayan.

Tom, back to reality

BACK to reality na si Tom Rodriguez. Umapir na siya sa isang production number sa All-Out Sundays nitong Linggo.

Eh, dahil pre-Valentine ang episode, kanta kaugnay sa pakikipagrelasyon ang production number niya.

Ibinigay kay Tom ang kantang kung tama kami, eh, may salitang “solo” sa title. Natural, going solo na si Tom after Carla Abellana.

Sa isang pahayag ng aktor na umabas sa social media, nagpapasalamat si Tom sa GMA bosses dahil muli siyang pinagkatiwalaan sa trabaho.

Eh, hanggang mahiwaga pa rin ang ugat ng hiwalayan nila ni Carla, hindi matatahimik ang isyu sa dating mag-asawa.

AUTHOR PROFILE