Sexy star pumapatol sa maginoo pero bastos
HINDI nagpaawat at muling binulabog ng Vivamax actress na si Jenn Rosa ang social media nang muli niyang ibinida ang kanyang perfect body.
Sa isang Instagram post ng sexy star, tila nag-hello ang bawat sulok ng seksing katawan ni Jenn sa isang video na kanyang in-upload.
Masusulyapan sa nasabing post ang nag-uumapaw na alindog ng isang Eba na tila nag-iimbita sa mga anak ni Adan na tuklawin ang kanyang ganda.
Swabeng-swabe ang hagod ng hot actress sa kanyang katawan na alam niyang pagpapantasyahan na naman ng mga barako.
Suot niya ang isang two-piece white swimsuit na animo’y mga retaso na lamang ng tela dahil sa nipis.
Sa caption ni Jenn, inilarawan niya ang bet niyang lalaki sa pamamagitan ng lyrics mula sa isang kanta.
“Gusto ko ng maginoo pero may pagkabastos, gusto ko ng barumbado pero may takot sa Diyos.” saad niya sa caption ng kanyang post.
Hindi naman nagkanda-mayaw ang mga kelot sa comment section at lahat sila ay itinuturo ang sarili na uri ng lalaking hanap ng sexy actress. Agad nilang pinusuan at binaha ng fire emojis ang nasabing post.
“Ako na yan.”
“That’s me po.”
“How to catch a star like you.”
“ANG SARAP MO BABY.”
“Ganyan ako, maginoo pero medyo bastos.”
Nakilala si Jenn sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Hibang (2023), Araro (2023) at Bisyo! (2023).