Carlo

Singsing ni Charlie, ‘di galing kay Carlo

February 12, 2024 Vinia Vivar 62 views

Ang bilis ng “hindi” ni Carlo Aquino nang biruin namin na baka makiuso pa siya sa hiwalayan ngayon sa showbiz.

“Hindi! I’m happy,” sey ng aktor nang makatsikahan namin sa first anniversary ng Beautederm Headquarters sa Angeles, Pampanga nitong Sabado.

As we all know, si Charlie Dizon ang current girlfriend ni Carlo at kasama niya ang aktres na dumalo sa nasabing event.

Natanong nga namin kung si Charlie na ba ang “the one” at ang bilis din ng “oo” ng aktor.

Pero nilinaw niya na hindi pa sila engaged ni Charlie tulad ng lumalabas na speculations matapos mapansin ng netizens ang suot na bonggang ring ng aktres.

“Hindi galing sa akin ‘yun. Hindi ko alam,” natatawang sabi niya.

Hindi pa masabi ng aktor kung kailan siya magpo-propose kay Charlie.

Aniya, malalaman din naman natin if ever na mangyari ‘yun. Basta sa ngayon, happy sila ng actress-GF.

Samantala, 10 years nang endorser si Carlo ng Beautederm at masayang-masaya siya sa success ni Rhea Anicoche-Tan, ang CEO at president ng nasabing skin care company.

Blessing daw talaga si Rei hindi lang sa kanya kundi sa maraming pang tao kaya naman patuloy din itong bine-bless ni Lord.

AUTHOR PROFILE