Toyo

Boss Toyo, nanghinayang sa sports car ni Daniel

February 12, 2024 Vinia Vivar 65 views

Nagsisisi at nanghihinayang si Boss Toyo, Jayson Luzadas in real life, na hindi niya binili ang sports car ni Daniel Padilla na ibinenta sa kanya kamakailan ng isang car dealer.

“Medyo nagkamali ako di’n kasi hindi ko nabili. Sayang, kikita sana ‘ko,” sey ng vlogger/collector nang makausap namin recently sa contract signing niya sa Eevor Skincare Depot (SCD) bilang partner at ambassador.

“Kasi nga, medyo malaki ‘yung puhunan. Kasi, hindi ko rin naman kayang bilhin lahat,” katwiran niya.

Matatandaan na ibinebenta kay Boss Toyo ang sports car ni DJ sa halagang P6 million. Tinawaran niya ito ng P5.5M hanggang P5.8M pero hindi pumayag ang seller.

After a few days ay nabili ng iba ang nasabing sports car.

Hindi naman daw siya mayaman para mabili niya ang lahat ng items na ibinebenta sa kanya.

Ang pangarap niyang mabili ay ang costume ni Vic Sotto sa pelikulang Lastikman dahil idol na idol umano niya si Bossing.

Pero mukhang malabo itong mangyari dahil parang wala na ang nasabing kasuotan.

Asked kung okay ba sa kanya na bumili pa ng acting trophies mula sa ibang artista matapos ibenta ni Jiro Manio ang Gawad Urian trophy niya, anang negosyante, walang problema.

“Okay lang ‘yun kasi I’m really looking forward to it kasi para makapag-ipon ako for my upcoming museum to showcase all those things na binibili ko,” aniya.

Samantala, si Boss Toyo ang first-ever business partner ng SCD after seven years of operation.

Ayon sa CEO/founder nitong si Grace Mangulabnan Angeles, napili niya ang sikat at kontrobersyal na vlogge/collector for his natural wit, character and content.

Hindi lang daw kasi para sa kababaihan ang produkto ng SCD kundi para sa mga lalaki rin.

AUTHOR PROFILE