Boy

Boy, ayaw patulan ang pasaring nina Bea at Dominic: I’m choosing to shut up. But not for long

February 12, 2024 Vinia Vivar 47 views

Ayaw munang magbigay ng komento ni Boy Abunda tungkol sa panayag nina Dominic Roque at Bea Alonzo hinggil sa kanilang breakup.

Sa joint statement na inilabas ng BeaDom last Sunday kung saan kinumpirma na nila ang kanilang hiwalayan, sa isang bahagi ay nakasaad na “unfortunately, some even confirmed our break-up without our consent, and some created ridiculous stories that had no basis and were utterly false, so we felt the need to share this announcement with great sadness, for our peace of mind and our families.”

Matatandaan na isa si Kuya Boy sa mga nag-confirm ng BeaDom breakup at ipinagtanggol pa niya ang dalawa sa mga panghuhusgang natatanggap ng mga ito mula sa mga basher.

Via text message ay hiningan namin ng reaksyon si Kuya Boy at kaagad niya kaming tinawagan.

“Ayaw ko munang magsalita, Vinia. Lalo lang lalala, eh,” he said.

Aniya, nirerespeto niya ang pain ng both parties ngayon kaya pinipili muna niyang manahimik.

“There’s so much pain that’s being experienced by the parties involved and even pain deserves respect,” he said.

Pero hindi raw ibig sabihin nito ay hindi na siya magsasalita about it.

“There’s a time to speak and there’s a time to shut up. Right at this moment, I’m choosing to shut up. But not for long,” sey ni Kuya Boy.

Samantala, ngayong araw, Feb. 12, ay nag-renew siya ng kontrata sa GMA-7.

AUTHOR PROFILE