Carlo

Carlo, karay-karay si Charlie sa CNY celebration ng Beautederm

February 12, 2024 Ian F. Fariñas 72 views

MTAGAL-TAGAL din palang hindi nagkita’t nagkasama ang Beautederm CEO/president na si Rei Anicoche-Tan at ang isa sa kanyang ambassadors na si Carlo Aquino.

Kaya naman ganu’n na lang ang saya nito nang finally ay magpakita na ang tinatawag niyang “bunsong kapatid” sa magarbong selebrasyon ng Chinese New Year nitong weekend sa mismong Beautederm Headquarters sa Angeles City, Pampanga.

Dobleng saya pa ni Miss Rei dahil karay-karay ni Carlo sa okasyon ang girlfriend nitong si Charlie Dizon na obviously ay close na close rin sa Beautederm owner/founder.

Sa isang Instagram post kung saan magkakasama silang tatlo, sinabi ni Miss Rei na wala na ang tampo niya kay Carlo.

“Hindi na tampo si Achi, nagpakita din sa wakas bunso kong kapatid. Ahmp. Babaw kaligayahan! Bilis masuyo! Naku kung di lang kita mahal!! Ahahaha! Eme lang. Mahal ka Achi mula noon hanggang ngayon. Alam ko alam ng puso mo yun @joseliwanag . Thank you for celebrating CNY with me. I love you both my @charliedizon_ and my Carlo.”

Sinagot ito ni Carlo sa comment section ng, “Thank you chi. We love you!” habang limang red heart emojis naman ang isinagot ni Charlie kay Miss Rei.

Anyway, speaking of the CNY celebration, dumalo rin sa pagtitipon ang iba pang Beautederm endorsers tulad nina Sam Milby, Sylvia Sanchez, Gillian Vicencio, Ervic Vijandre, Alma Concepcion, atbp.

Nagkataon na 1st anniversary ‘yon ng seven-storey, state-of-the-art building ni Miss Rei na naglalaman ng iba pa niyang mga negosyo gaya ng Beautéderm, BlancPro, BeautéHaus, Beauté Beanery at A-List Avenue kaya naman nagbahagi siya ng ilang tips tungkol sa success.

Aniya, “Do the things you love with strength. And when success comes, make an impact. That’s our mission — to boost consumer confidence and give back to the community.

“Be consistent. Hindi madali ang magtayo ng negosyo but you have to show up and be consistent. Always listen to your gut and people that genuinely love and support you. Huwag magmadali. It takes time.”

Ngayong 2024, bukod sa pag-iintroduce ng bagong products na safe at effective, may ilu-launch ding mga bagong celebrity endorser ang kumpanya ni Miss Rei.

Samantala, nominado nga pala ang nasabing beauty business sa 5th VP Choice Awards for Beauty Cosmetic Brand of the Year na ang botohan ay magsisimula sa March 5 hanggang April 5.

AUTHOR PROFILE