Kathniel

Kathryn, naiyak sa birthday message ni Daniel

April 2, 2022 Vinia Vivar 191 views

Napaiyak si Kathryn Bernardo sa birthday message sa kanya ng boyfriend at ka-loveteam na si Daniel Padilla.

Nag-post si Daniel sa kanyang Instagram ng random photos nila ni Kathryn at sa caption ay inilagay niya ang lyrics ng isang awitin.

“I text a postcard sent to you. Did it go through?

“Sending all my love to you. You are the moonlight of my life. Every night. Giving all my love to you. My beating heart belongs to you.

“I walked for miles ’til I found you. I’m here to honor you. If I lose everything in the fire. I’m sending all my love to you.

“Happy Birthday,” ang caption ni Daniel from the song, Last Night on Earth by Green Day.

Actually, napaka-touching ng nasabing awitin kaya naman hindi nakakapagtakang mapaiyak si Kathryn.

“You’re making me cry… AGAIN. Ily so mucho,” ang komento ni Kathryn.

Pati tuloy ang KathNiel fans ay nahawa kay Kathryn at nagkomento na rin ng “huhuhu” na ang ibig sabihin ay “crying.”

Ang dami ring nag-comment na “pakasal na kayo” lalo pa nga’t parang pang-wedding ang kanta.

Anyway, Kathryn just celebrated her 26th birthday sa isang beach resort kasama ang mga kaibigan at siyempre, si Daniel.

AUTHOR PROFILE