Nadine

Nadine sa ‘Greed,’ ikagugulat ng fans

April 2, 2022 Jun Nardo 185 views

MAGUGULAT ang fans ni Nadine Listre sa comeback movie niyang Greed ng Viva Films.

“This is something I’ve never done before. Talagang magugulat sila,” pahayag ni Nadine sa virtual mediacon ng latest movie niya na Greed.

Nasanay na ang publiko na nakikita si Nadine sa kilig at hugot movies.

Eh, ligwak na rin kasi ang loveteam nila ni James Reid kaya malaya na siyang gawin ang gusto niya sa screen.

“It is something gruesome na hindi ko pa nagawa before. Eh, I want to try something new. ‘Yung ending, sobrang ganda!” sambit pa ng aktres.

Kapareha ni Nadine sa Greed si Diego Loyzaga at kontrabida naman si Epi Quizon. Mula ito sa direksyon ni Yam Laranas na siya ring nagsulat ng Greed.

“Tapos na ako sa loveteam. It’s something I’ve done before. Ayoko na,” bulalas pa ni Nadine.

PASADO SA TARGET

ASIWA pa rin ang senatoriable na si Herbert Bautista kapag tinatawag na siyang senador.

“Hindi pa ako sanay,” sabi niya sa bagong tawag sa kanya.

Of course, more on executive ang posisyong hinawakan ni Hebert sa Quezon City.

Kung mahalal, first time niya sa legislative position.

Eh, may law background naman si Bistek kaya pasado rin sa target na pagiging senador.

AUTHOR PROFILE