Kathryn

Kathryn certified box office star

October 7, 2023 Aster Amoyo 227 views

Kathryn1KATHRYN Bernardo is hailed as Asian Superstar whose record-breaking movies “The Hows of Us” with Daniel Padilla in 2018 and “Hello, Love, Goodbye” with Alden Richards in 2019 earned P810M and P880.6M respectively making her the Filipino box office star of all time.

Ngayong 2023, mukhang napangatawanan ni Kathryn ang kanyang pagiging box office star dahil as of October 6, 2023, ay kumita sa takilya ang first movie nila ng Globe and BAFTA nominee for Best Supporting Actress na si Dolly de Leon, ang “A Very Good Girl” under Star Cinema.

Kathryn and Dolly along with the top executives ng ABS-CBN are currently on tour in the US for the movie “A Very Good Girl” na mainit ding tinanggap ng Filipino community doon.

Although malayo ang numbers ng “A Very Good Girl” kumpara sa last two movies ni Kathryn, record na rin itong maituturing for this year na wala pang ibang local films ang kumita nang husto sa takilya.

Napanindigan pa rin ni Kathryn ang kanyang pagiging consistent box office star although napkaahirap nang tibagin ang record na naitala ng “Hello, Love, Goodbye” nila ni Alden na pinamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia-Molina

Kailangan sigurong muling maibalik sa mgasinehan ang balik-tambalan nina Kathryn, Daniel Padilla at Direk Cathy para maibalik ang sigla ng mga manonood.

Heaven napapansin na ang husay

HeavenHeaven1EVERYTHING is coming up roses for23-year-old Heaven Peralejo magmula nang ito’y maging bahagi ng reality show na “Pinoy Big Brother: Lucky 7” kung saan siya nag-voluntary exit on the 72nd day nang ma-diagnose ang kanyang ina ng ng sakit na cancer at kailanga nitong maoperahan. Pero sa kabila nito ay tuluy-tuloy ang iba’t ibang proyekto nito sa ABS-CBN kung saan siya nagging bahagi sa loob ng anim na taon. Although may mga nagawa siyang iba’t ibang serye at ilang episodes ng “Maalaala Mo Kaya,” napansin ang husay ni Heaven sa pag-arte sa kanyang kauna-unahang Metro Manila Film Festival movie nung 2022, ang “Nanahimik ang Gabi” kung saan niya co stars sina Ian Veneracion at Mon Confiado. She was nominated bilang Best Actress ng 2022 MMFF, FAMAS at Star Awards for Movies ng PMPC pero nasungkit niya ang Best Actress trophy mula sa Luna Awards ng Film Academy of the Philippines. Nominado rin siya for Best Actress sa 6th The Eddys Awards ng Society of Philippine Entertainment Editors gayundin sa Asian Academy Creative Awards na gaganapin in Singapore sa December 6. 2023.

Ang annual Asian Academy Creative Awards in Singapore na nagsimula nung December 2018 ay nilalahukan ng 16 na bansa ng Asia Pacific at kasama ang Singapore, Philippines, Australia, New Zealand, South Korea, China, Hong Kong, Vietnam, Thailand, Taiwan, India, Hong Kong, Indonesia, Cambodia, Bangladesh, Japan, Malaysia at Myanmar.

It was only last April 26, 2023 nangsiya’ylumagda ng management contract with Viva Artists Agency na pinamamahalaan ni Veronique del Rosario-Corpus pero magmula noon ay hindi siya nawawalan ng proyekto. She’s actually one if not the busiest among Viva’s contract talents at pinakamalapit sa kanyang puso ang adaptation ng “The Rain in Espana” na pinamamahalaan ni Theodore Boborol. Sa nasabing serye nabuo ang kanilang tambalan ng Fil-Italian actor na si Marco Gallo maging ang kanilang pag-iibigian. Dahil sa malaking tagumpay ng serye, ito’y magkakaroon ng Season 2.

Sa kabila ng kanyang pagiging busy ay hindi pinabayaan ni Heaven ang kanyang pag-aaral at siya’y nakapagtapos ng Business Management sa Southville International School. Bagama’t hindi siya nakapag-martsa because of the pandemic, ang actual graduation march niya ay gagawin ngayong November in time for her 24th birthday.

Sa tulong ng kanyang mom nasi Shiela, natutong mag-handle ng kanyang sariling pera si Heaven at nag-iisip na rin umano siya ng business investment.

Hhindi mahilig ang young star ng mga expensive items. When she has time, she loves to do pottery and flower arrangement at enjoy din umano siyang alagaan ang kanyang favorite pets at home . She’s a fur mom to her dog and cat.

Although walang tahasang pag-amin tungkol sa tunay na relasyon nila ni Marco Gallo, obvious na in love sila sa isa’t isa.

Before Marco, si Heaven ay nagkaroon ng relasyon kay Jemuel Pacquiao, panganay ng boxing hero at dating senador na si Manny Pacquiao, maging sa Viva actor na rin ngayon na si Kiko Estrada.

She’s raised singlehandly by her mom. Si Heaven ay pamangkin ng mga dating actress, ang magkapatid na Rica at Paula Peralejo.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter (X)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE