Bong Go

Karagdagang klasrum isinusulong ni Bong Go

November 10, 2023 People's Tonight 135 views

IGINIIT ni Senador Christopher “Bong” Go na dapat iprayoridad ng pamahalaan ang pagtatayo ng marami pang silid-aralan kasunod ng pagtanggi na ni DepEd Secretary at Vice President Sara Duterte sa naunang hiling na magkaroon ng confidential funds ang kagawaran.

Binigyang-pansin ni Go ang panukalang pagtaas ng badyet para basic education facilities na nakatakdang tumaas ng P10 bilyon—o katumbas ng 44% increase kumpara sa badyet ng kasalukuyang taon.

“Importante po ito para matugunan ang kakulangan sa mga classroom lalo na ngayong balik face-to-face na po ang mga estudyante at ang mga guro,” ani Go sa pagtalakay ng Senado para sa badyet ng Department of Education’s (DepEd) sa 2024.

Ipinunto ng senador ang direktang impact ng malaking kakulangan ng klasrum sa edukasyon ng mga mag-aaral.

Batay sa mga naunang talakayan, nahaharap ang Pilipinas sa katakot-takot na gawaing pagtatayo ng humigit-kumulang 159,000 silid-aralan upang matugunan ang nasabing kakulangan.

AUTHOR PROFILE