Frasco1

Rep. Frasco tuloy daloy ng serbisyo sa mga kababayan, mag-aaral

November 10, 2023 Mar Rodriguez 166 views

Frasco2SA KABILA ng pagiging abala sa mga gawin sa Kamara de Representantes sa pagbubukas ng session nito, hindi parin natinag ang determinasyon ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco para paglingkuran ang kaniyang mga ka-distrito at maibigay ang kanilang mga pangangailangan.

Sa pagpapatuloy ng session ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, tuloy-tuloy din ang pagdaloy ng serbisyo at paglilingkod ni Frasco para sa kaniyang mga kababayan partikular na para sa mga mag-aaral sa bayan ng Catmon at Carmen matapos mamigay ang kongresista ng 1,800 scholarship grant.

Ipinahayag ni Frasco na maraming mag-aaral sa kanilang lalawigan ang hindi kayang pag-aralin ng kanilang magulang kaya sinisikap nilang maglunsad ng scholarship program para matulungan ang mga mahihirap na estudyante na makapag-patuloy ng kanilang pag-aaral ngayong taon.

Ang unang pinuntahan nila Frasco ay ang bayan ng Catmon. Sinundan ito ng pagtungo sa bayan ng Carmen kung saan 2,200 mag-aaral ang nabiyayaan ng scholarship program na nagkakahalaga ng P7.2 million sa kabuuan.

Bukod dito, namahagi din ang House Deputy Speaker ng mga new laptops sa mga estudyante na nagkakahaga ng P28,000 bawat isa upang maggamit ng mga mag-aaral sa kanilang school activities at research.

Nagpaabot naman ng malaking pasasalamat ang magulang ng mga estudyante para kay Frasco dahil sa walang suporta na ipinapakita nito para sa mga Kabataang mag-aaral partikular na ang mga indigent na estudyante.

AUTHOR PROFILE