Posas

2 timbog sa nakaw na manok, baril

November 10, 2023 Jojo C. Magsombol 195 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Tiklo sa mga pulis ang dalawang lalaki dahil sa pagnanakaw ng mga sasabunging manok sa Bgy. Calangay, San Nicolas, Batangas noong Miyerkules.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Aljon at alyas Arvin, ayon sa report ng Alitagtag police kay Batangas Police director PCol. Samson Belmonte.

Ayon sa report, bandang alas-4:30 ng hapon nang i-report sa Alitagtag police ng biktimang si Adelio Adelantar Bolor na nawawala ang 14 niyang panabong na manok na nagkakahalaga ng P60,000.

Agad nagsagawa ng joint follow up operation ng mga tauhan ng Alitagtag at San Nicolas Municipal police na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang suspek.

Narekober sa mga suspek ang walong tandang at motor na may tricycle (XS 5931).

Narekober din ng mga pulis sa mga suspek ang dalawang baril, isang Colt .45 caliber pistol at cal. 45 pistol, na may 10 bala.

AUTHOR PROFILE