Bea

Kapuso at Kapamilya hashtags, gitgitan sa pag-trend sa paglipat ni Bea

July 1, 2021 Ian F. Fariñas 424 views

BAKBAKAN sa pag-trending sa Twitter kahapon ang mga hashtag na #BeaAlonzo, #ProudToBEAKapuso at #KapamilyaForever matapos ianunsiyo ang opisyal na pagpirma ni Bea Alonzo sa GMA Network.

Parang show of force ang nangyari sa Kapuso at Kapmilya followers, lalo na ang fans ng aktres dahil kahit marami ang natuwa sa balita, meron din namang mga nag-nega at nag-feeling bitter sa naging desisyon ni Bea.

Ayon sa aktres sa isang online interview, matagal niyang pinag-isipan ang paglipat sa Kapuso channel.

“I was thinking, reflecting about what I want to do. There have been a lot of changes the past year and when GMA’s offer came, it came at the right time.”

Dagdag pa ni Bea, “I was ready. I felt empowered and ready to chase my dreams and work in a new environment and meet new people.”

Anuman ang sabihin ng iba, i-bash man siya sa social media, feeling ni Bea, tama ang ginawa niyang hakbang.

Rason ng aktres, “It fell on my lap at the right time and I seized, took it. It was the right thing to do because I’m happy.”

Excited na nga si Bea na makatrabaho ang Kapuso stars gaya nina Dennis Trillo, Ruru Madrid, Jasmine Curtis at iba pa.

Bukod sa posibleng pagsasama nila ni John Lloyd Cruz sa isang sitcom, tuloy din ang pelikula nila ni Alden Richards na remake ng hit South Korean movie na A Moment to Remember.

Bet din daw niyang sumabak sa pagiging talk show host.

Samantala, si Bea ang ikatlong Kapamilya na nag-ober-da-bakod sa GMA in recent weeks. Nauna sa kanya sina Beauty Gonzalez at Pokwang.

AUTHOR PROFILE