Ara, mala-diyosa sa wedding gown

July 1, 2021 Ian F. Fariñas 150 views

ALA-DIYOSANG bride ang datingan ni Ara Mina nang ikasal kay Dave Almarinez nu’ng June 30 sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel sa Baguio City.

Puring-puri at hangang-hanga ang netizens sa kagandahan ng aktres sa araw ng kanyang kasal at ang magarbong wedding gown niya ay hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng publiko.

Gawa ni Leo Almodal ang nasabing mala-fairytale wedding gown na ayon sa designer ay “intricately handcrafted and fully crystallized to perfection; from the elaborate neckpiece, bodice, sleeves to the hem. Baroque Rococo inspired princess ball dress. Corseted and cinched to emphasize her tiny waistline of 23!”

Nagkuwento rin si Almodal sa kanyang Instagram account tungkol sa naging journey nila ni Ara sa pagpili ng nasabing gown.

Ani Almodal, down to earth ang aktres, kind, professional at madaling katrabaho.

Ideya umano ni Ara ang nasabing dream design.

“It was her idea and her dream and my job is to bring her vision to life! Like a fairy Godfather listening to a princess who is becoming a queen in her own right. Working with Hazel (real name ni Ara) is a pleasure and a privilege,” patuloy ni Almodal.

Samantala, ang pangkasal naman ni Dave at ang isinuot na puting reception gown ng aktres ay kapwa gawa ng pamosong couturier na si Francis Libiran.

Star-studded ang kasalang Ara-Dave dahil namataan sa okasyon ang malalapit na kaibigan ng bride sa show business gaya nina Barbie Imperial, Diego Loyzaga, Sunshine Cruz at Macky Mathay.

AUTHOR PROFILE