Kenchan

Kalbaryo sa Covid, idinetalye ni Ken

July 1, 2021 Vinia Vivar 671 views

Imagine, 17 pala lahat ang bilang ng family members ni Ken Chan na tinamaan ng COVID-19 kabilang na ang aktor.

“Buong family namin — ‘yung 17 na ‘yun nagkaroon ng COVID,” sey ni Ken sa recent interview niya kay Cata Tibayan ng 24 Oras.

“Yung lola ko, ‘yung baby namin dito, ‘yung two years old. Isang araw lang kami nilagnat nang sobra. ‘Yung katawan namin as in nanginginig kami, ‘yung lamig parang pumapasok sa mga buto namin, nanghihina kami,” pagre-recall ni Ken.

Base na nga rin sa kwento ng aktor, hindi talaga biro ang dinaanan nila ng pamilya niya sa pakikipaglaban sa killer virus.

“’Yung mga muscle namin puro muscle pain, ‘yung buto namin hinang-hina, hindi kami makatayo, hindi kami makalakad, wala kaming gana kumain.

“Wala kaming panlasa, wala kaming pang-amoy, ‘yung mata namin sobrang red na tapos nagluluha lang siya ‘tapos hinang-hina ka. ‘Tapos ‘yung temperature namin 37-38. Ako nag-39 ako, pakuwarenta na rin ako,” pagbabahagi pa ng aktor.

Thankfully ay nakaligtas naman silang lahat at isa rin sa malaking tulong sa paggaling nila ay ang pagbibigay sa kanila ng lakas ng loob ng mga kaibigan at kaanak.

“Bukod sa mga gamot na ininom namin ng buong pamilya namin. Bukod sa pagkuwa-quarantine, ang nagpagaling sa amin is ‘yung mga tao na nasa paligid namin na pinalakas loob namin na, ‘Kaya n’yo yan. Tutulungan namin kayo, hindi kayo nag-iisa,’” sey ng Ang Dalawang Ikaw lead star.

Sa ngayon ay naturukan na ang aktor ng first dose ng anti-COVID-19 virus at ang paalala niya sa lahat, parating mag-ingat at gumamit lagi ng face mask and face shield.

AKTING NI JD, ’di napanood ni Yorme

Sobrang happy ni Joaquin Domagoso na hit ang first teleserye niya sa GMA-7 na First Yaya with Cassy Legaspi as his loveteam.

Thankful ang anak ni Manila Mayor Isko Moreno na napasama siya sa nasabing serye at sobrang nag-enjoy din daw siya sa lock-in taping kasama ang buong cast, and of course, si Cassy.

Asked kung ano ang comment ng daddy niya sa kanyang acting, aniya ay hindi nga raw napapanood ng kanyang ama dahil sobrang busy ito ngayon sa pagpapa-vaccine sa mga constituent sa Manila.

“Busy pa rin siya sa vaccine, eh,” sey ni JD (nickname ni Joaquin).

Pero sobrang proud naman daw siya sa kanyang ama sa magandang performance nito bilang mayor ng Manila.

Ngayong gabi (Friday, July 2) na ang finale episode ng First Yaya pagkatapos ng ilang buwang pamamayagpag sa ratings since nagsimula ito noong Marso.

Nagpapasalamat ang buong cast, sa pangunguna ng dalawang bidang sina Sanya Lopez at Gabby Concepcion, sa pagmamahal at suporta na ibinigay ng manonood sa kanilang serye.

AUTHOR PROFILE