anne

Anne, ’di iiwan ang Kapamilya

July 2, 2021 Vinia Vivar 502 views

Nag-viral agad ang screenshot ng Zoom meeting ni Anne Curtis with GMA-7 executives kasama ang Viva management na siyang nagha-handle ng career ng aktres.

Naganap ang Zoom meeting last Thursday base sa post ng GMA exec na si Joey Abacan.

Timing naman na noong araw na ‘yun ay nagte-trending din si Bea Alonzo dahil sa pagiging official Kapuso matapos pumirma ng kontrata sa network.

“Thank God for a very productive afternoon! Very refreshing to see you again @annecurtissmith,” ang caption ni Joey sa kanyang Instagram post.

Makikita sa screenshot ng meeting ang mga dumalo. Bukod kina Joey at Anne ay nasa larawan din si GMA Films President Annette Gozon-Valdes at ang Viva executives na sina June Rufino, Val del Rosario, Veronique del Rosario at Vincent del Rosario.

Magku-co-produce ang Viva at GMA Films for a movie with Anne.

Sa Twitter ay tinanong na agad ng isang fan si Anne tungkol sa nasabing meeting.

“@annecurtissmith please tell us na gma films lang at hindi ka lilipat sa gma,” sey ng fan.

In fairness, agad-agad ay sumagot si Anne.

Aniya, kalma lang. Sinabi rin niyang pelikula ang kanilang pinag-usapan at hindi pa naman din sure.

“Hahaha Yes. Kalma. They pitched a film for next year na hindi pa naman sure yet. As always, I need to read the script first before making a decision,” aniya.

Dati na raw siyang gumawa ng pelikula na co-produced ng GMA Films at Viva Films.

“The last viva x gma film I did was IN YOUR EYES with Ate Claudine & Richard. I was already a Kapamilya then. So Kalma Lang,” sey niya.

Isa pang announcement ni Anne kahapon na ikinatuwa ng fans niya ay ang pagbabalik niya sa It’s Showtime.

“And isa pa, babalik pa ako sa It’s Showtime So kalma lang madlang peeps!!!!” deklara ni Anne.

So, there! Hindi naman pala magbabalik-Kapuso si Anne.

AUTHOR PROFILE