Iyadrew

Kamandag ni Drew, mabagsik! … Iya, buntis sa ikaapat na baby

January 3, 2022 People's Tonight 463 views

MABAGSIK talaga ang kamandag ng Kapuso host na si Drew Arellano. Aba, buntis sa ikaapat nilang anak ang asawa niyang si Iya Villania, huh!

Inanunsiyo ni Iya ang pagiging preggy sa morning show niyang Mars Pa More.

At sa zoomcon ng morning cooking show nila ni Chef Jose Sarasola, sinabi niyang nasa fourth month na siya ng kanyang pregnancy.

“Nahihirapan ako ngayon. Eh, akala ko, tama na ‘yung sa third naming si Alanna. Hindi pa pala! Eh, nandiyan na, so, enjoy na lang my preganancy,” saad ni Iya.

Nasa third season na ang cooking show nilang Eat Well, Live Well, Stay Well na sponsored ng Ajinomoto.

Sa pahayag ni Iya, more on simple recipes but healthy food ang ihahain nila with a twist, huh!

WinwynSIKRETO NG NON-SHOWBIZ PARTNER NI WINWYN, MAHIWAGA

NAUNA pang isapubliko ni Winwyn Marquez ang gender ng magiging anak kesa katauhan ng ama ng bagets.

Ayon sa TV reports, babae ang panganay ni Winwyn.

Unang baby ito ng beauty queen-actress at marami pa rin ang nahihiwagaan sa pagiging sikreto ng kanyang non-showbiz partner, huh!. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE