Ellen

Derek: I love her (Ellen’s) craziness

January 3, 2022 Vinia Vivar 454 views

Excited na si Derek Ramsay sa honeymoon nila ni Ellen Adarna ngayong 2022. If plans push through, ngayong Enero ang alis nila.

Matatandaang ikinasal sina Derek at Ellen sa Bataan last November.

Sa kanyang Instagram Story ay nagpa-Q&A si Derek sa kanyang followers at isa sa mga naitanong ay kung ano ang nilu-look forward niya ngayong 2022.

“I’m really looking forward to our honeymoon where we will be bringing this little boy (Elias) to Africa,” sagot niya.

Natanong din kung plano pa nilang magka-baby ni Ellen at sey ni Derek, “Yes, probably next year. I want a boy, Ellen wants a girl.”

Isang follower niya rin ang nagtanong kung kumusta ang married life.

“Married life is beautiful. It’s wonderful,” aniya.

Asked kung happy ba siya, sagot ng aktor, “I have never been this happy in my life.”

Tanong ng isang netizen, “How do you feel about Elias?”

Derek replied, “I love this boy so, so much! So, so much!”

Natawa naman ang aktor nang may magtanong kung bakit ang perfect nila together ni Ellen.

“Alam ko na sagot ni Ellen dito. Coz she’s perfect. She is,” sey ni Derek.

Natanong din kung nagseselos ba siya sa ibang lalaki na malapit kay Ellen.

“Hindi po ako seloso. Alam ko naman na loyal ang aking asawa. So, bakit ako magseselos?” aniya.

At sa tanong kung ano ang best qualities ni Ellen bukod sa pagiging good mom kay Elias, sagot ni Derek, “She’s smart, she is real and she makes me laugh. Not a lot of people know that Ellen has a really good sense of humor.”

May nagtanong din kung paano niya natatagalan ang craziness ni Ellen and he replied, “I love her craziness.”

AUTHOR PROFILE