Lizquen

Liza, ‘Di buntis o nagtatago sa Amerika–Ogie

January 3, 2022 Vinia Vivar 393 views

Nilinaw ni Ogie Diaz na hindi buntis ang alaga niyang si Liza Soberano.

Pinaghihinalaan kasi ng mga Marites na buntis si Liza dahil sa mga ipinost niyang larawan nila ng boyfriend na si Enrique Girl noong Christmas Day.

Puna ng netizens, parang may baby bump si Liza at malaki ang kanyang suot na trench coat.

Sa kanyang vlog sa YouTube ay kaagad nilinaw ng manager ni Liza ang tsikang ito at sey nga niya ay marami nga ang nagtatanong sa kanya kung buntis ang aktres.

“Aaminin ko na po na si Liza Soberano sa isyung buntis ay hindi po totoo,” pahayag ni Ogie.

“Alam mo naman, minsan, lumiyad lang nang ganu’n ‘yung tiyan, buntis na,” dagdag pa ng manager/comedian/vlogger.

Hirit naman ng partner niyang si Mama Loi, may mga nagsasabi rin daw kasi na parang tumataba ang pisngi ni Liza kaya napagbibintangang buntis.

“Si Liza po ay hindi po buntis. Pero magkasama sila ni Quen sa US kasama si Justin, ‘yung brother ni Liza. Dinalaw nila at dinamayan ‘yung lola nila,” ani Ogie.

Sey naman ni Mama Loi, “’Yun nga rin ang sabi ng iba. Baka raw ginawa lang na dahilan ‘yung lola pero magtatago na raw sa US.”

Sagot naman ni Ogie, “’Di ba, bongga ang mga Marites, ’di ba? ‘Yung mga hindi namin naiisip, naiisip nila.”

Dagdag niya, “Hayaan po natin, ano? Someday. Dahil sila naman ni Enrique ay talagang mukhang hindi na mapaghihiwalay, ’di ba? Eh, darating din tayo diyan. Pero for now, it’s a no.”

AUTHOR PROFILE