Candy

Julia, nag-table at sinayawan ng hooker sa Angeles City

August 23, 2022 Ian F. Fariñas 431 views

PALUNG-PALO sa netizens ang official trailer ng kauna-unahang daring movie ni Julia Barretto na Expensive Candy under Viva Films dahil umabot na sa tatlong million ang views nito sa loob lamang ng dalawang araw.

Katambal si Carlo Aquino mula sa panulat at direksyon ni Jason Paul Laxamana, ginagampanan ni Julia sa Expensive Candy ang papel ni Candy, isang streetwalker/hooker na mapapamahal sa high school teacher na si Toto (Carlo) matapos silang magkasama ng isang gabi.

Sa online media conference kahapon, sinabi ni Julia na sumailalim siya sa isang immersion at kasama si Direk Jason Paul (na una niyang nakatrabaho sa Between Maybes) ay nagtungo sila sa mismong lugar ng mga streetwalker sa Angeles City.

Kwento ng aktres, “Tineybol ko. Naka-disguise po kasi kami nu’n nu’ng una. So nu’ng tineybol ko siya, hindi po sure kung akala niyang isa pa akong babae na interesado sa kanya na hindi niya alam kung anong gagawin ko sa kanya. Until later on, I had to introduce myself and kinailangan kong sabihin ’yung intention ko of being there. And nakasama rin namin siya sa shooting but I wanna protect her identity so…”

Naging kaibigan daw ni Julia ang hooker na itineybol niya’t binilhan pa ng dalawang baso ng Johnny Walker On the Rocks.

Naging extra memorable ang experience dahil kwento ng aktres, sinayawan pa siya nito.

Bukod doon, hindi na nag-elaborate pa si Julia ng anumang impormasyon tungkol sa hooker.

“Just to protect them as well, I dont wanna divulge any information but I did get a few tips and tricks and a little bit of dance moves from the women there. Amazing! They’re amazing, the girls there are amazing,” paliwanag niya.

Hindi umano siya nagkaroon ng second thoughts tanggapin ang Expensive Candy, lalo pa nga’t proyekto ito ni Direk Jason Paul.

Ani Julia, “Never ako makaka-‘no’ kay Direk jp. Kahit ano pa ’yung ibigay niya, ipagawa sa akin, hindi ako makaka-‘no’ d’yan. Number one, the story is really nice. Nu’ng nabasa ko ’yung script, I immediately knew I wanted to do it and I feel like I’m already at a point in my life where it’s okay to get out of my comfort zone. So, yeah, I’m very much excited to do this.”

As for Carlo, inamin ni Julia na matagal na niya itong gustong makatrabaho. Bilang magaling na aktor, “The Icon” daw ang tawag nila rito sa set at feeling ng aktres, perfect material ang Expensive Candy para sa first team-up nila ng aktor.

Abangan ang kakaiba’t “napakamahal” na love story nina Candy at Toto dahil mapapanood na sa mga sinehan ang Expensive Candy simula September 14.

AUTHOR PROFILE