Billy

Billy, ‘Pambansang katrabaho’

August 23, 2022 Ian F. Fariñas 290 views

KASAMANG babalik ni Billy Crawford sa France bukas ang kanyang pamilya para maghanda sa Danse avec les stars, ang French version ng American dance competition series na Dancing with the Stars na ilu-launch sa September.

Ang nasabing programa ay nagpi-feature ng celebrities kapartner ang professional dancers na nagku-compete sa ballroom at Latin dance.

Bago umalis, humarap muna si Billy sa isang virtual mediacon para sa ihu-host niyang The Wall Philippines na collaboration ng Viva Entertainment, Inc. at GMA-7.

As we all know, lumaki si Billy sa Kapuso network bilang protege ng yumaong Master Showman German Moreno sa That’s Entertainment.

Kaya naman ganu’n na lang ang tuwa niya sa pa-welcome na ibinigay sa kanya ng istasyon kahit pa nga isa siyang dating Kapamilya at may ibang show bilang Kapatid, ang LOL, sa TV5.

Aniya, “You know i will never get tired of saying na I feel welcomed again, I feel at home. I feel na my home was renovated. ’Yun lang ‘yung pakiramdam ko. Kasi nu’ng pumasok ako, nu’ng unang araw pa lang, nu’ng nagpu-promo shoots kami d’yan sa GMA building, tumingin ako, nakasarado na, pero du’n lang ‘yung nagre-rehearse kami para sa That’s Entertainment before. So, you know, that was my home since I was four years old so saktung-sakto. This collaboration between Viva and GMA has given me, as a host an as an artist, an opportunity again to be freelance and to be able to work with kahit sino dito sa industriya natin and it’s such a blessing, especially sa panahon ngayon, in this specific time right now.”

Napakalaking blessing para kay Billy ang mabigyan ng tsansang makapagtrabaho sa iba’t ibang network.

Aniya, “Lahat naman may kapamilya, may kapatid, may kapuso. Ako ay ‘Pambansang Katrabaho.’”

At dahil araw-araw na siyang mapapanood sa telebisyon sa pagsulpot ng The Wall Philippines simula August 28, nagbiro si Billy na, “Parang nananakit na ako, ah. Hahaha! Hindi, ‘yun nga, eh.

Yes, nakikita na nga ako sa TV araw-araw.

“Sana maulit muli ‘yung habit ng mga Pinoy na manood kasama ng buong pamilya. Kahit ano namang programa ang panoorin nila, sana mag-enjoy lang sila sa content na pinu-produce ng katulad ng GMA. So, for me, yes, araw-araw n’yo akong makikita, kung ayaw ninyo akong makita, pasensya na po kayo, nanghihingi ako ng paumanhin,” sabay tawa.

Wish daw niya na makapaglaro sa The Wall Philippines ang mga tulad nina Bossing Vic Sotto at Kapuso Primetime Royalties na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

“Para malaman natin kung sino talaga ang boss sa kanila,” pabirong hirit pa niya.

Bukod sa The Wall Philippines, may iba pang programa na pinaplano para kay Billy ang Viva at GMA, kabilang na rito ang guesting niya sa longest-running gag show sa bansa na Bubble Gang.

AUTHOR PROFILE