Julia

Julia, game bumalik sa ‘Eat Bulaga’

April 21, 2023 Jun Nardo 333 views

NILINAW ng former Eat Bulaga Dabarkads na si Julia Clarete na nandito lang siya sa Pilipinas at wala sa ibang bansa.

“Oo, I chose to prioritize my family. It’s complicated kaya hanggang doon lang masasabi ko,” bungad ni Julia nang makausap namin sa screening ng Net 25 series niyang Barangay Mirandas ng Kapitana Productions ng friend naming si Rosanna Hwang.

Eh, nagkakilala sina Julia at Rosanna through a common friend kaya naman nang makilala ito ng producer-director, hindi na niya ito pinakawalan.

Sa pag-uusap namin ni Julia, open naman siya sa muling pagtatrabaho sa showbiz. Game pa rin siyang bumalik para mag-guest sa Eat Bulaga gaya ng ginawa niya sa 40th anniversary celebration ng longest-running noontime show.

Isang barangay chairman ang role ni Julia at kapareha niya ang aktor na si John Medina na nakalabas na sa FPJ’s Ang Probinsyano.

“Basta okay sa oras ko, puwede pa naman akong umarte. Basta walang conflict lalo na sa schedules ng anak ko,” sabi ni Julia.

Tuwing weekend mapapanood ang Barangay Mirandas sa hapon. Buhay barangay at kaso kaugnay nito ang nais ipakita ni Kapitana Hwang.

TIANA, MANA KAY TITA MIDZ

MATIGAS ang ulo at hirap sa pagsisimula sa showbiz ang baguhang singer na si Tiana Rocher, anak ni Katrina Enrile at apo ni Senador Manong Johnny Enrile at Armida Siguion Reyna.

Maganda ang boses ni Tiana na ang feeling ng media na dumalo sa kanyang launching, eh, minana sa lola niyang si Armida.

Ngayon nga, gusto ni Tiana na subukan ang singing career sa bansa matapos umikot sa maraming shows sa Amerika.

Dream niyang maging bahagi ng musical event na Coachella sa Amerika upang ipagmalaki ang husay ng Pinoy artist.

AUTHOR PROFILE