Bea

Bea, ’di inggit sa kasikatan ni Barbie

April 21, 2023 Vinia Vivar 449 views

MarcoNilinaw ni Bea Binene na masaya siya sa success na tinatamasa ngayon ng kaibigang si Barbie Forteza at wala siyang anumang inggit na nararamdaman.

“Sobrang proud ako sa Maria Clara saka sa kanila ni David,” sey ni Bea nang makatsikahan namin sa mediacon ng upcoming Viva One romance-drama series na Rain in España kung saan ay isa siya sa cast.

Ang tinutukoy ni Bea ay ang hit GMA-7 series na Maria Clara at Ibarra kung saan nga nagsimula ang pagsikat ng FiLay tandem (na ngayon ay BarDa na) nina Barbie at David.

Bagama’t wala na raw siya sa GMA-7 ay hindi naman nagbabago ang friendship nila ni Barbie at may communication pa rin sila sa text.

“Hindi lang po talaga kami nakakalabas ulit kasi nga, sobrang mga naging busy. Sobrang tagal na po naming mga hindi nagkita. Pero ‘yun, consistent kapag may birthday, maggi-greet, ‘yung magla-like, babati, magko-comment sa (Instagram and Facebook) stories. Ganu’n po talaga.

“Saka hindi lang si Barbie, pati ‘yung mommy niya, si Tita Amy,” ani Bea.

Matatandaan na halos magkasabayan sina Bea at Barbie sa GMA-7 at nagkasama sila sa noon sa seryeng Tween Hearts.

Since then ay parang pinagkumpetensiya na sila ng kanilang fans.

“Ako po, ever since, I didn’t look at it naman as something na competition. ‘Yun pong sa Tween Hearts, grupo naman kami do’n, ta’s after Tween Hearts, nagkaroon naman kami ng kanya-kanyang trabaho. Hindi po ako pinabayaan ng GMA.

“Kumbaga, ngayon kay Barbie, wala po akong nararamdaman na parang… (inggit), wala po. I’m just really happy and I’m proud of her kasi, ‘di ba, nagpapagawa na ng bahay si ate girl, ganyan, ‘di ba?

“Tapos sabi ko nga sa kanya, may picture siya ang ganda-ganda, ‘hugis-bigas’ sabi ko sa kanya. Sobrang proud ako sa kanya especially now with all the success of MCI,” ani Bea.

Since last year ay nasa pangangalaga na si Bea ng Viva Artists Agency (VAA) at first project niya sa Viva ang Rain in España with Marco Gallo and Heaven Peralejo.

Aminado si Bea na nakakapanibago to be working outside of GMA dahil 18 years din naman daw siya sa nasabing network but at the same time ay very thankful and excited din siya sa kanyang bagong journey na ito.

Ang The Rain in España ay ang sikat na sikat na series adaptation ng Wattpad University series na isinulat ni Gwy Saludes.

Mapapanood na ito sa Viva One streaming platform simula sa May 1 mula sa direksyon ni Theodore Boborol.

Kasama rin sa serye sina Gab Lagman, Aubrey Caraan, Nicole Omilio Krissha Viaje, Andre Yllana, Frost Sandoval, Francis Magundayao at Gabby Padilla.

AUTHOR PROFILE