Luis

Luis sobrang ipinagmamalaki ni Edu

April 21, 2023 Aster Amoyo 350 views

Luis1Luis2Luis3KAARAWAN kahapon, April 21 ng TV host-actor, vlogger at entrepreneur na si Luis `Lucky’ Manzano at ang kanyang ama, ang veteran actor na si Edu Manzano ang kauna-unahang bumati sa kanya sa pamamagitan ng kanyang social media account.

“Happy 42nd birthday! On this special day, I want to convey my heartfelt blessings and congratulations on your recent blessings of having a wife and a daughter. You have always shone as a son, but now, as a loving husband and father, you radiate even brighter.

“It brings me immense joy to see you take on these new roles with such devotion and dedication. I have no doubt that you will be an incredible partner to Jessy and a wonderful father to Isabella Rose.

“May this birthday bring you all the happiness and love that you deserve. Always remember how much you are loved and cherished, not just today but everyday. I am incredibly proud of the man you have become and excited to see where this new chapter in your life takes you.

“Happy Birthday, my dear son.

“With all my love. Dad”

Kahit bata pa si Luis nang magkahiwalay ang kanyang parents, he has maintained his close relationship with his mother, Star For All Seasons, award winning and seasoned actress and former politician Vilma Santos-Recto and her family ditto his father, Edu Manzano and his half siblings Addie and Enzo.

Magmula nang mag-asawa at magkaroon ng anak si Luis, ipinakita nito ang kanyang pagiging loving and responsible husband to Jessy and doting father to their first born na si Isabella Rose or Baby Peanut.

Anak nina Dianne at Rodjun nakalabas na ng hospital

RodMASAYA ang celebrity couple na sina Rodjun Cruz at Dianne Medina dahil nakalabas na ng pagamutan ang kanilang anak na si Joaquin matapos ito ma-confine for three days sa St. Luke’s Medical Center in Quezon City dahil sa dengue.

Masigla na muli ang bata at balik ito sa kanyang paglalaro.

Si Joaquin ay isinilang nung September 10, 2020.

Rodjun and Dianne were in a 12-year relationship before they got engaged on October 2017 in Boracay na itinapat sa 30th birthday ng Kapuso singer, dancer at actor. They got married on December 21, 2019 sa Manila Cathedral.

Nash marami nang achievements sa murang edad

NashNash1Nash2NAPAKA-ADMIRABLE ng achievements ng 24-year-old old Kapamilya actor-turned politician na si Nash Aguas dahil sa batang edad nito ay marami na itong naipundar na properties at iba pang investments.

He was 20 years old nang makabili ito ng house and lot sa Las Vegas, Nevada nung 2019 bukod pa sa bahay nito at ng kanyang pamilya sa Cavite plus his chain of Japanese restaurants.

Bibihira ang katulad ni Nash na marunong humawak ng pera at mag-invest laluna sa murang edad.

Turning 25 on October 10, si Nash ay isa ngayong konsehal sa Cavite City Council (first term) and have been in showbiz for 19 years now. He started in the biz when he was four years old nang siya’y sumali sa isang contest ng isang kiddie segment ng dating noontime program ng ABS-CBN, ang “Magandang Tanghali Bayan or MTB. Anim na taong gulang naman siya nang sumali sa talent reality show ng ABS-CBN, ang Star Circle Quest kung saan siya ang tinanghal na Grand Kid Questor at kasunod na rito ang kanyang pagiging bahagi ng now-defunct long-running kiddle gag show na “Goin’ Bulilit” na tumagal din sa ere ng 14 years.

Bilang child actor ay nakapag-uwi siya ng Best Child Actor sa magkasunod na taon ng Metro Manila Film Festival para sa pelikula ng Regal Entertainment, ang “Shake, Rattle & Roll 8 & 9” nung 2006 at 2007, respectively.

Nasubaybayan ng publiko ang transition ni Nash bilang child actor hanggang sa kanyang pagiging teen-ager and adulthood.

Taong 2014 when he was given by ABS-CBN his launching TV project sa pamamagitan ng “Bagito” kung saan niya nakabituin ang dati niyang ka-loveteam na si Alexa Ilacad at Ella Cruz.

Nash is in a long relationship now with Angelika de la Cruz’ youngest sister, ang young actress na si Mika de la Cruz.

Billy and Coleen nagdiwang ng 5th wedding anniversary

BillyCELEBRITY couple Billy Crawford and Coleen Garcia celebrated their 5th wedding anniversary in Tagaytay City last April 20. The couple got married on April 20, 2018 in Balesin. Two years later, on September 10, 2020 ay isinilang ang kanilang first baby na si Amari (via water birth procedure) na siyang sentro ngayon ng pagmamahalan ng mag-asawa.

Billy and Coleen started dating in 2014 and got engaged on December 2016, just a few days after ng engagement ng couple na sina Anne Curtis at husband Erwan Heussaff.

Mga katanungan tungkol sa ‘Eat Bulaga,’ nasagot na

TVJPicPic1NGAYON pa lamang ay tiyak na pag-iinupunan na ng Filipino fans ang pagbabalik-concert sa Pilipinas ng sikat na Fil-Am hitmaker, songwriter and record producer, Bruno Mars na nakatakdang bumalik sa Pilipinas for a one-day concert na gaganapin sa Philippine Arena sa darating na June 24, 2023.

Brace yourselves dahil ang concert ticket ay nagkakahalaga ng P18,750 ang pinaka-mahal at P2,750 naman ang pinakamura.

Si Bruno ay ipinanganak sa Hawaii to a Filipino mother at Puerto Rican father. Napakarami ng kanyang songs na pinasikat ay ilan dito ay ang “Just The Way You Are,” “Versace On The Floor,” “It Will Rain,” “Treasure,” “That’s What I Like,” “24K Magic,” “Grenade,” “Marry You” at iba pa.

Ang unang concert ni Bruno Mars nung 2018 ay produced ng kumpanya ng actor-restaurateur na si Marvin Agustin.

MATUTULDUKAN na ang mga haka-haka na may kinalaman sa mga pagbabago sa top-rating and longest-running noontime show in Philippine television maging sa buong mundo, ang “Eat Bulaga” matapos magsalita ang CFO ng TAPE, Inc. (producer ng “Eat Bulaga”), mayor ng Dapitan City in Zamboanga del Sur na si Seth Frederick `Bullet’ Pal Jalosjos, anak ng chairman na si Romeo `Romy’ Jalosjos, Sr. sa exclusive guesting nito sa “Fast Talk with Boy Abunda” on GMA recently.

Klinaro ni Mayor Bullet na wala umanong take-over na nangyari o mangyayari sa “Eat Bulaga” at lalong walang matatanggal laluna ang tatlong poste ng programa, sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon at mga Dabarkads.

Kung may mga pagbabago man ay magkakaroon umano ng mga new segments and maybe additional hosts ang noontime show.

Si Tony Tuviera, co-owner at siyang namuno ng TAPE, Inc. for the longest time ay mananatili umanong consultant ng “Eat Bulaga” matapos itong mag-retire last March.

Nananatiling Chairman of the Board and negosyante at dating politician na si Romy Jalosjoshabang si Romeo `Jonjon’ Jalosjos, Jr. ang president & CEO habang si Mayor Bullet naman ang Chief Finance Officer (CFO).

Condolences

MY heartfelt condolences to the respective families of the late businessman Herbert Dy, and my nephew, Engr. Tesefonte `Noynoy’ Amoyo Anabeza. May they rest in heavenly and eternal peace.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE