Jodi

Jodi, buong-buo ang puso kay Raymart

February 8, 2022 Vinia Vivar 208 views

Hindi makuwento tungkol sa kanyang personal life si Jodi Sta. Maria dahil napaka-pribado niyang tao ever since.

Pero nakakatuwa na sa panayam niya kay Karen Davila ay talagang nag-open-up siya at ikinuwento ang istorya ng kanyang mga pinagdaanan sa buhay, partikular na nga ang panahong nahiwalay siya sa kanyang asawang si Pampi Lacson mahigit 10 taon na ang nakararaan.

Ayon sa bida ng The Broken Marriage Vow, masakit talaga ang magkaroon ng sariling “broken marriage vow.”

“Hindi naman kaila sa lahat na I am separated, and ’yun nga The Broken Marriage Vow din talaga ako in real life. It is something na nangyari sa life ko na masasabi ko na isa sa pinaka-painful.

Hindi ka naman papasok sa isang commitment or isang covenant na para lang masira, ’di ba?” ani Jodi.

Ang hiwalayan ay isang bagay daw talaga na ikinahiya niya dahil feeling niya ay hindi niya naayos ang kanyang sariling marriage at hindi niya nabigyan si Thirdy ng buong pamilya.

“So, during that time talaga, I felt so low and I felt so down and lost and depressed,” sey ni Jodi.

Naging coping mechanism daw niya that time ay maglalabas kasama ang mga kaibigan at makipag-inuman sa mga ito.

“I needed some distraction. And I would remember it was also during that time that I did a lot of partying, alam mo ‘yung just to drown lang all the pain and just to forget. But then, Karen, pagkagising mo the following day, masakit na nga ‘yung puso mo, masakit pa ‘yung ulo mo sa hangover,” aniya sabay tawa.

Good thing ay nagsunud-sunod ang projects na dumating sa kanya that time kaya ang trabaho ang kanyang pinagkaabalahan lalo na nga nang dumating ang Be Careful with my Heart na naging isang phenomenal hit.

“So nakahanap na naman ako ng distraction. May trabaho ako so hindi ko maiisip ‘yung mga bagay na mga nangyayari sa akin at home.”

Of course, eventually ay naka-move-on din naman si Jodi at unti-unting naghilom ang kanyang mga sugat.

“At first naman, I wouldn’t say naman talaga na after the separation, ‘Sige na, let’s be friends.’ Walang ganu’n. Siyempre a heartbreak is a heartbreak. You will have to go through all these feelings of grief and loss and it will never be easy.

“But I guess darating ka sa time na maiisip mo, ano ba ang mas importante, ‘yung nararamdaman ko everyday na ganito na punumpuno ng anger and resentment ‘yung heart ko, or does my soul deserve peace?

“And that time also, naawa rin talaga ako sa anak ko. Naipit talaga siya sa dalawang nag-uumpugang bato. Hindi na nga namin siya nabigyan ng pamilyang buo, iipitin pa ba namin siya sa gulo namin because hindi kami magkasundo?” sey ng aktres.

Sa ngayon, as we all know, magkaibigan na sina Pampi at Jodi at maayos ang co-parenting set-up nila sa anak nilang si Thirdy.

Asked kung kumusta ang puso niya ngayon, natatawang sabi ng aktres, “Buong-buo!”

Well, hindi naman kaila sa lahat na she’s in a relationship now with Raymart Santiago.

Tinanong din siya kung gusto pa niyang mag-asawang muli at sagot ni Jodi, “Ako, in my heart, I know, I would want to take that road again with the right person in God’s perfect time.”

AUTHOR PROFILE