Toni

‘Unbothered Queen’ Toni, lumayas sa ‘PBB’

February 9, 2022 People's Tonight 232 views

THE “Unbothered Queen.”

’Yan ang titulo at korona na ibinato sa actress-host na si Toni Gonzaga nang ipakilala niya si Representative Marcoleta bilang isa sa senatorial aspirants ng UniTeam nina Bongbong Marcos at Sara Duterte sa proclamation rally nila sa Philippine Arena last February 8.

Naglabas ng throwback memes ang ilang netizens upang ipaalala kay Toni ang naging pahayag niya nang matanggalan ng franchise ang ABS-CBN.

Bahagi ng pahayag ng actress-host last January 18, 2020, “Sa lahat ng nasa posisyon ngayon, hindi namin makakalimutan ang ginawa n’yo sa mga trabahador ng ABS-CBN.”

Pati ilang movies na ginawa ni Toni sa Star Cinema ay nahalungkat.

Isa si Rep. Marcoleta sa mga nagtulak na hindi ma-renew ang franchise ng ABS-CBN.

Sa Twitter kahapon, kapwa trending ang hashtags na #Toni at #Marcoleta.

Isang tweet ng netizen ang nagsabi na, “Palibhasa mayaman kana at dika nawalan ng trabaho. Konting hiya naman Toni Gonzaga.”

At least, may “Queen” pa rin sa nadagdag na title kay Toni, huh!

As of yesterday, balitang nag-resign na si Toni bilang host ng Pinoy Big Brother at inendorso bilang host si Bianca Gonzalez. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE