Korina

Korina, ipinagtanggol si Boy sa bashers

February 8, 2022 Ian F. Fariñas 161 views

MAINGAY na naman ang pangalan ng batikang broadcast journalist na si Korina Sanchez matapos ang kontrobersyal na interview niya sa Presidential aspirant na si Bongbong Marcos.

Nagkataon kasi na nag-decline si BBM sa isa pang presidential interview dahil may conflict sa schedule ng Upuan ng Katotohanan interview ni Korina na napapanood sa Rated Korina, Rated Korina Plus YouTube channels at iba pang platforms.

Actually, hindi lamang si BBM kundi ang iba pang leading candidates sa 2022 ang laman ng series of interviews ng dating Kapamilya anchor.

Nariyan sina Ping Lacson, Yorme Isko Moreno, VP Leni Robredo at Sen. Manny Pacquiao.

Pero gaya ng iba pa niyang controversial interviews dati, sanay na si Korina sa bashers.

Katunayan, dedma na siya sa mga ito, lalo na sa trolls, dahil alam na raw niya na “you can’t please everyone.”

Sa isang virtual interview with the showbiz press kahapon, sinabi niya na automatic na para sa kanya ang mag-segregate between legit commentaries and those that come from troll farms.

Aware rin si Korina na bukod sa kanya, eh, maingay ding sinalubong ng publiko, lalo na ng netizens, ang mga naging presidential interviews nina Jessica Soho (for GMA-7) at Boy Abunda (for ABS-CBN).

Kung papuri sa matatapang na tanong ang inani ng interview ni Jessica, si Boy, tumanggap ng kritisismo dahil umano sa pagsingit-singit nito sa sagot ng iniinterbyu.

May ilang kampo pa na nagsabing hindi dapat si Boy ang pinag-interview kundi isang journalist din na pwedeng ipangtapat sa husay ni Jessica.

Sa aspetong ito ay ipinagtanggol ni Korina si Boy.

Aniya, may doctorate degree si Boy, samantalang siya ay wala.

“This is not to say that I won’t ask intelligent questions,” patuloy niya.

Napakatalinong tao raw ni Boy at kahit hindi Journalism graduate gaya niya o ni Jessica, eh, maaaring magtanong ng smart questions sa mga nag-a-apply maging Presidente ng bansa ngayong 2022 elections.

“Some of the smartest questions can come from a nurse, a taxi driver,” dugtong ni Korina.

“Credibility kasi is in the eye of the beholder,” katwiran pa niya.

Naaalala nga niya ang panahon na binatikos ang GMA nu’ng ang dating Student Canteen at Lovingly Yours, Helen anchor na si Helen Vela ang pinaupo para mag-deliver ng balita sa gma news.

Kaya niya, “Trust depends on who is watching you.”

Isa pa, organic hanggang ngayon si Boy sa abs-cbn at siya’y hindi na dahil nga pinakawalan siya ng istasyon matapos itong magsara nang hindi ma-renew ang franchise.

“I think every station chose who is still organic with them,” dagdag pahayag ni Korina. “And I congratulate ABS naman for their choice of Boy.”

Sakaling in-offer sa kanya ang naturang interview, tatanggapin daw ni Korina.

Sa ngayon, masaya siya na maging free agent na maaaring magtrabaho para sa kahit na anong istasyon at saang platform.

Masaya rin siya na kahit na kakaiba ang format na ginawa niya sa Upuan ng Katotohanan series, kung saan ipinakita niya ang pagiging ordinaryong tao ng mga kandidato, eh, may mga pumuri pa rin sa trabaho niya.

“Risky” daw ang napili niyang format, pero pagkatapos mapanood ng mga tao ang pamimingwit nila ng isda ni Ping, pagkanta sa piano ni Pacquiao, pagluluto ni BBM, atbp., pati na ang pagsagot ng mga ito sa mababagsik na tanong, eh, nag-congratulate pa rin ang netizens dahil sa lumutang na “Korina” brand of journalism.

Dito, aminado siya na, “Medyo tumataba ang puso ko kasi matagal na rin akong hindi nagha-hard news.

Parang nabuhay uli ang dugo ng pagiging journalist ko.”

Sa tanong kung willing siyang magtrabaho sa grupo ni dating Senador Manny Villar na, as we all know, eh, siyang nakakuha ng isang frequency na dating naka-assign sa ABS, sagot ni Korina: “All my doors are open. I dont believe in burning bridges. I have a very good relationship still with the Lopezes and the management of abs-cbn. My show, actually, is simulcast over multiple platforms of both tv5 and A2z, Kapamilya Channel tfc, OneSignalPH, and am very happy for that.

“And I owe that to Brighlight, which is headed by Albee Benitez. I owe Albee Benitez a lot, because nu’ng nagsarado ang abs, hindi ako naghintay nang matagal nagkatrabaho agad ang team ko at ako mismo, he trusted me, they don’t meddle anything of my content. I deliver, they’re happy with our output.

Having said that, it doesn’t mean that I cant come out anywhere else because I’m organic to tv5 although I love mvp (Manny V. Pangilinan), he’s very kind to me, they’ve given us a very good timeslot. But I’m really more contracted with an independent content provider and blocktimer.

“So if there’s an offer, why not? I’d love to be working again with the people who I came to know as my family.”

AUTHOR PROFILE