Jhassy

Jhassy, excited sa showing ng ‘Unspoken Letters’

December 9, 2023 Ian F. Fariñas 182 views

ILANG araw na lang at huhusgahan na ang pelikulang Unspoken Letters na pinagbibidahan ng multi-awarded singer-actress na si Jhassy Busran kaya naman ngayon pa lang ay sobrang excited na ito na maipapalabas na sa mga sinehan ang pinaghirapan nila simula Dec. 13.

Sa grand mediacon ng Unspoken Letters, siniguro ng dalaga na talagang ibinigay niya at ng buong cast ang best nila para sa movie.

Sa nasabing family drama, ginagampanan niya ang papel ni Felipa, isang 17-year-old na dalaga na ang utak at kilos ay mistulang pitong-taong-gulang.

Dream role nga ito ni Jhassy kaya nag-audition talaga siya at pumasa. Ang hindi niya akalain, mahirap at challenging pala umarte na special child.

Idagdag pa rito ang “sampalan” scene nila ni Gladys Reyes, kaya naman sobrang proud ang singer-actress sa kinalabasan ng portrayal niya.

Kwento ni Jhassy, “Hindi ko pa sure kung sino ‘yung gaganap po, sabi sa akin, ‘si Ate Gladys mo daw.’ Nagulat po ako kasi, ‘di ba, known naman po si Ate Gladys for that? So parang ang daming iba na nangangarap na masampal ng Gladys Reyes pero nu’ng ginawa na po namin ‘yung eksena, parang nu’ng ina-anticipate n’yo na po na sasampalin ka, nagulat pa rin ako na parang hindi ko siya ini-expect.

“Kaya nadala na rin po ‘yung emosyon ko nu’ng time na ‘yon kasi parang na-help ako na ilabas ‘yung pinaka-emotions na need du’n sa sampal ni Ate Gladys. After po nu’n, parang na-proud ako sa sarili ko. Nasampal ako ni Ate Gladys! Hahaha!” proud na sey niya.

Anyway, nasa cast din ng Unspoken Letters sina Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Matet de Leon at Simon Ibarra sa ilalim ng direksyon nina Gat Alaman, Paolo Bertola at Andy Andico.

AUTHOR PROFILE