Santos

Writer at direktor, hinagilap ang totoong Fr. Mallari

December 9, 2023 People's Tonight 392 views

UGALI na ng Pinoy na kaladkarin ang pamilya’t barkada sa sinehan para magtakutan at magsigawan kahit pa Pasko.

Kaya naman ang sabi ng screenwriter na si Enrico Santos, “So we made sure na ang Mallari ay punung-puno ng gulatan. Parang rollercoaster, parang theme park. We made sure na may pag-uusapan din paglabas. Mallari contains all those elements that ensure success. Most importantly, we made sure na may puso ang kwento. At the end of the day, malalaman niyo na ang theme ng Mallari ay isang love story. Love ni Fr. Mallari sa kanyang ina, love ni John Rey sa kanyang asawa or love ni Jonathan kay Agnes (Janella Salvador).”

Matatandaan na si Enrico rin ang nagsulat ng MMFF horror entry na Pagpag (2013) nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na dinirek ni Frasco Mortiz.

Para sa Mentorque Productions, producer ng Mallari na pinagbibidahan ni Piolo Pascual, lumapit man lang ang kita ng kanilang entry sa iconic at legendary horror films tulad ng Feng Shui (ni Chito Roño), masaya na sila.

Sa totoo lang, pitong beses umano binago ni Enrico ang draft ng script bago inumpisahan ang shooting.

“Dahil historical ang project, pinakamahirap ang research. Umabot kami ni direk sa liblib na lugar sa Pampanga para tapakan ang simbahan ni Mallari. Wala na siyang simbahan. Bukid na lang.

Kung hinukay namin ‘yun, magkakabulutong ka sa kamay. We had to get a historian from Pampanga at humingi kami ng permission kung pwede kami iikot. May tikbalang daw ang kinatatayuan ng simbahan ni Mallari. Siguro, nakasumpa ‘yun. We could not finish the script kasi nga, wala kaming documentation,” kwento ni Enrico.

Nahanap pa sila ni Direk Derick Cabrido ng unang rebulto na dinadasalan ni Mallari. Nakatago umano ito sa isang chapel.

“Tapos ang makikita niyo sa pelikula hindi na kamukha noon,” ani Enrico. “May kinopya si direk sa Vatican. Hindi namin matapos ang script hanggang hindi namin tinatapakan ang lupa, tinitingnan ang rebulto at nilalakaran ang nilakaran ni Mallari.”

Bilang panghuling hakbang, tinawagan nila ang mga kaibigan sa Biblioteca sa Spain para hanapin si Mallari.

“Nahanap naman,” sabi ni Enrico. “Nakapagpadala ng xerox sa amin pati ang drawing ni Mallari sa pelikula, accurate ang calligraphy ng totoong tao.”

ZEPHANIE, NAG-RECORD PARA SA DISNEY

MULA bata, exposed na ang Idol Philippines grand champion na si Zephanie Dimaranan sa Disney songs.

Lima silang magkakapatid at middle child si Zephanie. Karaoke ang madalas na bonding nila at kumakanta sila ng Disney songs. Ang Let It Go mula sa pelikulang Frozen ang paboritong kantahin ng magkakapatid.

Nitong November, sa selebrasyon ng 100 years ng Disney, nabigyan si Zephanie ng chance na mag-record ng kantang Aking Hiling, ang Tagalog version ng This Wish mula sa Disney animated film na Wish.

“Surreal talaga for me ang nangyari,” excited na pahayag ng singer. “It was a dream come true for me. Even before, when I joined the music industry, singing for Disney was something I always dreamed about and wanted to achieve someday.”

Oktubre nalaman ni Zephanie ang magandang balita. Pagkatapos ng ilang linggo, nakipagkita na siya sa mga taga-Disney para pakinggan ang This Wish.

“The movie is the culmination of Disney’s 100 years,” pagbabahagi niya. “The different Disney characters were in the movie. I recorded Aking Hiling last month. It had versions in other languages.”

Para sa dalaga, full-circle moment ang nangyari. Noong November, 2022, Disney+ (Plus) was launched in the Philippines at isa siya sa mga nag-perform kasama sina Janella Salvador, Stell ng SB19, Morrisette at Christian Bautista.

“Same month last year, I got a chance to sing a Disney song, When You Wish Upon a Star, from the Pinocchio movie,” pagmamalaki niya. “It was like an anniversary of my Disney performance.”

Samantala, naglabas din ng pahayag ang Disney to officially announce na nakuha si Zephanie sa Wish project.

Ayon sa statement ni Rachel Fong, head ng Integrated Marketing for Disney Entertainment, The Walt Disney Company Southeast Asia, “We are excited to work with Zephanie for the Tagalog version of This Wish (Aking Hiling) for Wish. Apart from being a Disney fan, Zephanie represents today’s fearless and inspiring young women whom this generation can look up to.

“We hope that her version, Aking Hiling, would allow us to connect even more strongly with Filipino Disney fans to tell a story of courage and hope.” Leah Salterio

AUTHOR PROFILE