Kyline

Netizens, naintriga sa common post nina Kyline at Sarah

December 10, 2023 Vinia Vivar 280 views

Umagaw ng pansin ng mga netizen ang latest post nina Sarah Lahbati at Kyline Alcantara sa kani-kanilang social media accounts.

Nag-post ang dalawang aktres ng larawan nila na magkasama at ang makahulugang caption ni Kyline, “celebrating the elegance of womanhood.”

Siyempre, medyo intriguing sa mga Marites ang post na ito nina Sarah at Kyline lalo pa nga’t pareho silang natsitsismis na hiwalay na sa kani-kanilang partner na sina Richard Gutierrez at Mavy Legaspi, respectively.

Marami tuloy ang nagtatanong kung kailan ba at saan nagsimula ang friendship nina Sarah at Kyline.

May mga nakapansin din kasi na pareho silang nahihilig sa tennis ngayon dahil halos magkasunod ang post nila last week kung saan ay makikitang naglalaro sila ng nasabing sport although hindi naman sila magkasama sa mga larawan.

Wala pang nakakaalam kung bakit may photo together ang dalawang aktres, kung para sa bagong proyekto ba ito o talaga lang nagsusuportahan sila sa isa’t isa.

Anyway, aliw ang comment ng mga netizen dahil ikinonek nila ito sa hiwalayan ng dalawang aktres at sa mga nanay ng kanilang partner na sina Carmina Villarroel at Annabelle Rama.

Narito ang ilan sa nabasa naming comments:

-Dalawang magandang babae na pinagkaisahan ng mothers knows best.

-Yung trending ung nanay ng mga ex nila tapos ayan sila tawa tawa lang hahahaha.

– Andyan din dapat si kath… para power puff.

– May common denominator po kayo hahaha.

– Nag titigan yung tatlong may problema sa Mother-in-law.

AUTHOR PROFILE