Denjen

Jennylyn at Dennis, nagtayo ng ‘family business’

September 9, 2021 Vinia Vivar 452 views

Ang daming naintriga sa announcement ni Jennlyn Mercado sa kanyang Instagram page.

Nag-post si Jen ng mga larawan ng contract signing nila ng boyfriend na si Dennis Trillo sa kanilang business partners.

Makikita rin sa photo ang manager niyang si Katrina Aguila na isa rin sa mga kasosyo.

“A new family business is in the works! Revealing soon!” ang caption ni Jen sa mga larawan.

Ang ikinaintriga ng marami ay ‘yung term na “family business” at may mga nagtanong nga sa amin kung kasal na raw ba sina Jen at Dennis dahil pamilya na nga ang turingan nila.

Well, the last time we checked ay hindi pa naman sila kasal.

Pero sa mga takbo ng pangyayari ay baka nga doon na rin papunta ang kanilang relasyon lalo pa nga’t ang focus nila ngayon ay ang kanilang future.

Siyempre, kahit hindi pa sila kasal ay isang pamilya na rin naman sila kasama ang kani-kanilang mga anak na sina Jazz at Calix.
Wala pang sinabing detalye si Jen sa negosyong sinimulan nila ni Dennis but from what we know ay nagtayo sila ng isang corporation at excited na sila sa mga produktong iri-release nila ngayong

Octubre both in retail and e-commerce.

Samantala, bukod sa sinimulang negosyo ay busy din sina Jen and Dennis sa kani-kanilang proyekto sa GMA-7.

Si Dennis ay kasalukuyang napapanood sa Legal Wives habang si Jen naman ay sumabak na sa lock-in taping ng first teleserye nila together ni Xian Lim na Love, Die, Repeat. \

Ang dami nga agad kinilig sa mga behind the scene photos ng first taping day nila the other day. May chemistry na agad na nakita ang mga netizen kina Jen at Xian at ang dami na ngang nagkomento na aabangan nila ang serye.

Excited si Jen to be working again dahil matagal na rin siyang hindi napapanood sa isang teleserye bukod pa nga sa first time niyang makatrabaho si Xian.

As for Xian, ito ang kanyang first teleserye sa GMA-7 at sobrang happy ang aktor na si Jen agad ang kanyang nakapareha.

KEN, RATSADA SA TRABAHO

Kahit pandemic ay ratsada pa rin sa trabaho si Ken Chan at hindi nababakante.

After Ang Dalawang Ikaw nila ni Rita Daniela na finale episode today, Friday, mapapanood naman siya sa pilot episode ng Regal Studio Presents: That Thin Line Between. Masayang-masaya si Ken sa lahat ng papuri sa kanyang mahusay na performance sa Ang Dalawang Ikaw.

Ang dami ngang nagsasabi na sobrang deserving niya to win an acting award at sobrang thankful ng aktor sa lahat ng positive feedbacks na ito.

“Maraming salamat. Isa rin po ang proyektong ‘yun na talagang pinaghirapan ko po talaga and sobrang happy po ako na maganda po ang mga response ng mga viewer,” aniya.

Kaya naman super happy rin siya na after the heavy drama Ang Dalawang Ikaw ay medyo light lang ang Regal Studio Presents episode niya.

“Nakakatuwa lang kasi right after ng Ang Dalawang Ikaw, ginawa po namin itong GMA Regal Studio Presents na light naman, rom-com. From heavy drama, masaya ako na merong break,” aniya.

Mapapanood na bukas, September 11, ang That Thin Line Between ng Regal Studio Presents.

Kapareha naman dito ni Ken si Sanya Lopez.

AUTHOR PROFILE