Pinky

Pinky, kasalo sina Belo at Chavit sa ‘Table Love…’

September 9, 2021 Ian F. Fariñas 1068 views

Kasama ang “Queen of Tablescaping” na si Chemist Pinky Tobiano, ang lifestyle show na Table Love by Pinky ay magtatapos na tampok ang mga naglalakihang pangalan na sina Dr. Vicki Belo at ang kinikilalang ama ng Ilocos Sur na si Mayor Chavit Singson, sa huling dalawang episodes.

Mapapanood sa TFC, ang Table Love by Pinky ay isang tablescaping program na nais ipagmalaki at ipagdiwang ang small wins natin sa buhay, alalahanin ang mga paborito nating experience at pagsaluhan ang mga pagkakaibigan sa pamamagitan ng mga table design na ihahain nito.

Mula sa bahay ng mga celebrity tulad nina Francis Libiran at KC Concepcion, o sa mainit na pagtanggap nina Tim Yap at ng mga Pangilinan; mula sa napakagandang white shores ng Boracay, o sa self-pampering vibe ng The Farm sa San Benito, hanggang sa cozy at modern ambience ng mga bagong bukas na restaurant, dinala tayo ng Table Love sa iba’t ibang adventures na ’di lang pang-laman tiyan, kundi pambusog-mata rin.

Nakasama sa nagdaang 12 episodes ng show ang ilan pang bigating stars na sina Ruffa Gutierrez, Erik Santos, Yeng Constantino, Alex Diaz, Nicole Cordoves, Markki Stroem, Jason Dy at Roxie Baeyens.

Naibahagi rin dito ang mga nakakakilig na love story ng mga celebrity couple na sina Moira dela Torre at Jason Marvin, pati na sina KZ Tandingan at TJ Monterde.

Ngayong iere na ang dalawang season-ender episodes, dadalhin naman tayo ng Table Love sa isang makulay na festive Spring motif, habang kakwentuhan ang nag-iisang Dr. Belo bukas, Sabado, September 11.

Makisalo sa kanilang friendship celebration kasama ang host na si Pinky at makibalita kung paano sila mas pinagtibay nitong pandemya.

Safari-inspired design ba ’kamo? Maki-joy ride sa kanilang finale sa September 18, kung saan bida ang former governor now mayor na si Chavit sa isang one-on-one talk.

’Wag ding palampasin ang first-ever at exclusive interview kasama ang mga anak ni Mayor Singson na sina Chelsea at Christian Singson.

Abangan ang heartfelt na kwento ng isang factory worker na mayroong bulag na asawa at anak na may cerebral palsy, at kung paano sila tinulungan ng mga tampok na guests ng show kaisa ang Table Love.

“To create warm memories that will last a lifetime, one well-loved table at a time” — ’yan ang totoong puso ng Table Love.

Gusto nitong iparating sa viewers na wala sa ganda ng bihis ng hapag kainan kung bakit nagiging espesyal ang handaan, kundi nasa mga kaibigan at mahahalagang tao na kasalo natin sa bawat kainan.

“Seize life and serve love.”

Ang Table Love by Pinky ay mapapanood sa TFC at iWantTFC.

AUTHOR PROFILE