Lolit kay Paolo: Tibayan ang loob

September 9, 2021 Ian F. Fariñas 452 views

PWEDE kang madapa, pero kailangan marunong kang bumangon at matutong tibayan ang loob.

’Yan ang reaksyon ng talent manager na si Lolit Solis sa ginawang pag-amin ng alaga niyang si Paolo Contis ng pagkakamali sa naging pagsasama nila ni LJ Reyes.

Sa Instagram idinaan ni Paolo ang paghingi ng tawad sa dating live-in partner, sa anak nilang si Summer at anak ni LJ kay Paulo Avelino na si Aki.

Inabsuwelto rin ni Paolo sa nasabing IG post ang sinasabing “third party” sa breakup na si Yen Santos.

Ang pagkikita raw nila sa Baguio City ay dala lamang ng pagiging “friends” nila.

Inamin ni Paolo na inaya niya si Yen doon dahil down siya at kailangan ng kaibigang makakausap.

Ipinagtanggol din niya si ’Nay Lolit laban sa bashers dahil natural lang daw na ipaglaban siya nito dahil anak ang turing sa kanya.

Samantala, idinaan na lang daw sa smile ng talent manager ang paghingi ng tawad ni Paolo at pag-amin ng pagiging “marupok.”

Aniya pa, “Sana nga tanggapin ng mga taong sa palagay nila affected ng mga pangyayari. Ang dami ng drama ng buhay natin, huwag na natin dagdagan pa. Admitted na nila ang kakulangan nagawa nila, ok na, go on with life. Kung may nagawa silang mali, hayaan ng langit ang magpasiya, sabi nga, please forgive us for our sins, as we forgive those who trespass against us. Now, kung ayaw nyo parin tanggapin, ok na rin, tuloy lang ang buhay. It will not stop your life, as well as it won’t stop theirs. Hay naku, kaya siguro ulan ng ulan, para na rin luha na hindi humihinto.”

Ang buhay daw, dugtong ng talent manager, parang baha, nagdudulot ng dulas sa daan.
“Dahil madulas, puwede ka madapa. Kaya dapat mo gawin, bangon lang, tibayan na lang ang loob,” payo ni ’Nay Lolit sa IG post.

RayverRAYVER, PALABAN SA BL SERIES

SA pagre-renew niya ng bagong kontrata bilang Kapuso, sinabi ni Rayver Cruz sa virtual mediacon kahapon na game siya sa lahat ng klaseng role na i-assign sa kanya, mapa-pelikula man o telebisyon.

Bukas din siya sa paggawa ng BL series, lalo na kung maganda naman ang istorya.

“Bukas ang pinto ko sa lahat ng klase ng project. Mahal ko ang pag-aartista so, bakit hindi?” aniya.

Bukod kay Heart Evangelista, type makatrabaho ng BF ni Janine Gutierrez ang mas bata sa kanyang si Kyline Alcantara.

“Kaso ang bata, eh, ’di ba? Hahaha!” dagdag ni Rayver.

Sobrang nagagalingan daw siya kay Kyline, lalo na pagdating sa pagsasayaw at pagkanta. Kaya naman kung papipiliin siya ng proyekto na puwede nilang pagsamahan, gusto ni Rayver ng isang musical.

“Binibiro ko nga siya minsan, sabi ko, aabutan pa kita, lagi lang ako mag-aahit ng ganito. A musical would be nice,” kwento ng aktor, na malapit nang bumalik sa taping ng The Clash.

AUTHOR PROFILE