Ishin

Jak, todo-suporta sa FiLay tandem

January 27, 2023 Vinia Vivar 510 views

Made na ang FiLay tandem nina Barbie Forteza at David Licauco na napapanood sa GMA-7 series na Maria Clara at Ibarra bilang Fidel at Klay dahil may endorsement na sila ngayon.

Sila ang kinuhang first celebrity ambassadors ng growing skin care product in the market, ang Ishin Skin, na pag-aari ng young power couple na sina Mario Miguel at Shirleen Bautista.

Pagbubuking ni MM (Mario Miguel), na pamilyar na sa showbiz writers bilang anak siya ng veteran entertainment columnist na si Mario Bautista (ng People’s Journal), kinikilig ang misis niya sa FiLay loveteam.

Ayon kay Shirleen, bukod sa kinikilig siya kina Barbie at David, personal choice niya ang dalawa dahil swak ang mga ito sa hinahanap nila para maging face ng Ishin.

“’Yung image ni Barbie, sobrang innocent, tapos ang ganda. Kahit mag-wear siya ng swimsuit, she still looks innocent, napaka-angelic ng face, ng over-all look niya. Sabi ko, bagay na bagay siya sa brand.

“Si David naman, talagang mukhang Korean siya. Nu’ng nagi-start kami ng brand, talagang naghahanap kami ng Korean. Tapos, lagi ko silang napapanood ni Barbie, so, apart from kinikilig, sabi ko, pwedeng-pwede siya na mag-carry ng brand natin. Kasi even si Barbie, mukha rin siyang Korean,” ani Shirleen.

Sobrang happy ng FiLay na mayroon na silang first endorsement together at thankful sila sa mag-asawa na nagtiwala sa kanila at siyempre, nagpapasalamat din sila sa mga supporter ng tandem nila sa Maria Clara…

Ayon sa dalawa, hindi rin nila inakala na maghi-hit ang kanilang tandem dahil sa umpisa talaga, ang role lang ni David ay love interest ni Klay (Barbie) at kaibigan ni Ibarra (Dennis Trillo).

“So, ayun, na-develop ‘yung story dahil nagustuhan siya ng fans, ‘yung mga nandito, sobrang salamat. Dahil sa inyo, sa totoo lang, dahil talaga sa fans kaya ako nandito ngayon. Dahil kung wala ‘yung fans na sinuportahan ako as Fidel, ‘yung FiLay, I don’t think na nandito ako ngayon sa Ishin,” sey ni David.

Ayon naman kay Barbie, pangatlong beses na nilang pagsasama ni David ang Maria Clara… kaya hindi niya in-expect na magiging ganito ka-positibo ang response ng mga tao sa kanilang tandem.

Natanong naman si Barbie kung ano ang reaksyon ng boyfriend niyang si Jak Roberto sa success ng pairing nila at kung hindi ba ito nagseselos kay David.

“Sa totoo lang, wala akong masabi kay Jak talaga. Siguro, malaking tulong na artista rin siya and parehas kami ng industriya, matagal na rin niyang ginagawa ‘to, so alam na niya ang kalakaran.

“Even with David and I, it’s very clear to the both of us that this is business partnership and we’re both very grateful for Filay.

“Pero si Jak, grabe! Talagang malaki ang pasasalamat ko sa kanya kasi ni hindi ko kailangang i-explain sa kanya kasi naiintindihan niya talaga and he’s just so happy for me, for the both of us, kasi magkaibigan din sila ni David,” pahayag ni Barbie.

“So, ayun, grabe, thank you, I love you,” mensahe pa ng aktres kay Jak.

Samantala, ang isa sa ipinagmamalaki at best- selling product ng Ishin ay ang Advanced White whitening supplement na paborito ring produkto nina David at Barbie.

Nag-launch din sila ng mga bagong produkto tulad ng Ishin Premium Soap, Ishin Premium Scrub at Ishin Premium Lotion.

Available ang Ishin products sa mga distributor na makikita sa kanilang website.

AUTHOR PROFILE