Kimpoy

Heaven, kaibigan lang ni Kimpoy

January 27, 2023 Jun Nardo 269 views

EVERYBODY’S friend pala itong vlogger na si Kimpoy Feliciano.

Isa si Kimpoy sa grand finalists ng “Bida Next” search ng Eat Bulaga na isa sa naging guests sa aming “Maritess University” podcast.

Very charming si Kimpoy kaya naman isa siya sa mga gusto ng ibang finalists na manalo sa EB search na magaganap ang grand finals next week.

Pero kahit may following online, gusto pa rin ni Kimpoy na magkaroon ng self- fulfillment sa ginagawa lalo na’t pinili niyang manatili sa bansa kahit nasa ibang bansa ang pamilya.

Alam ba ninyong nakalabas na rin sa TV at movies si Kimpoy kung saan ay nakilala niya si Heaven Peralejo na itinutukso sa kanya?

“Heaven and I are friends,” sambit niya sa aming interview.

Salamat, Jenny Ferre, Rod dela Cruz at RJ Franco for facilitating the guesting of the four “Bida Next” grand finalists.

Endorsements ng female celeb, nag-atrasan!

NAG-ATRASAN ang ibang endorsements ng isang female celebrity dahil sa controversial issue na kinasangkutan niya kamakailan.

Ayon sa source namin, hindi pumabor ang ilang endorsements sa inasal ni female celeb kahit na nga naglabas na ito ng apology sa ginawa niya.

Siyempre, kapag endorser ka ng isang produkto, dapat mapanatili mo ang walang-bahid dungis na image.

Balita pa namin, hinihilot ng malalapit sa female celeb ang development sa ginawa ni female celeb.

AUTHOR PROFILE