Coco matagal nang gusto si Lovi

January 28, 2023 Aster Amoyo 423 views

DarnaDarna1MAGTATAPOS na sa February 10 ang top-rating primetime action, drama and fantasy series na “Mars Ravelo’s Darna” na pinagbibidahan ni Jane de Leon at kung saan din tampok na mga bituin sina Joshua Garcia, Janelle Salvador at Zaijan Jaranilla mula sa direksyon ng award-winning veteran director na si Chito Rono with Avel Sunpongco, Benedict Mique at Daruel Joy Villaflor

“Mars Ravelo’s Darna” launched the career of 24 year-old former member of a dance group, Girltrends sa “It’s Showtime.”

Ang “Mars Ravelo’s Darna” ay nakatakdang palitan ng pinakabagong serye ng TV Primetime King na si Coco Martin, ang “FPJ’s Batang Quiapo” na pagbibidahan pa rin ni Coco who also co-directs and co-produces his new TV series na magsisimula sa February 13.

Coco started taping for his new action-comedy series last January 9, 2023 na itinaon sa selebrasyon ng Black Nazarene ng Quiapo.

Si Coco ay isang devotee ng Black Nazarene.

CocoJaneSa ‘FPJ’s Batang Quiapo,’ kapareha ni Coco ang biological daughter ni FPJ na si Lovi Poe along with Charo Santos-Concio, Christopher de Leon, John Estrada, Cherry Pie Picache, Sen. Lito Lapid, Mark Lapid, Pen Medina, Ping Medina, Tommy Abuel at marami pang iba.

Ayon kay Coco, noon nasa GMA pa si Lovi ay gusto na niya itong makatrabaho. Kaya ngayong nasa ABS-CBN na ang aktres ay nagging madali ang kanilang pagsasama sa proyekto.

Itinuturing naming malaking karangalan para sa singer-actress ang makatrabaho ang actor-director-producer na si Coco.

Ang dahilan bakit mas madalas sa Amerika si Ai Ai

AiaiAiai12015 nang makuha ng singer, actress at entrepreneur na si Ai-Ai de las Alas ang kayang U.S. green card sa tulong ng ating kaibigang Immigration lawyer na si Atty. Jemela Nettles.

It was last year nang mag-desisyon si Ai-Ai na mamalagi sa Amerika nang mas matagal para makuha niya ang kanyang American citizenship. It was a major decision that she has to take pero nagpapasalamat siya sa GMA na kahit sa Amerika na siya naka-base ay ni-renew pa rin ang kanyang kontrata ng TV network and is guaranteed to do at least two projects a year at kasama na rito ang pagiging isa sa mga hurado ng in-house reality singing competition na “The Clash”. She is also set to do a series.

Bukod sa “The Clash,” kasalukuyang nasa Pilipinas ang singer-actress-comedienne dahil sa pelikulang kanyang gagawin o ginagawa sa kasalukuyan, ang “Litrato” mula sa screenplay ng writer-director na si Ralston Jover with Louie Ignacio as director. Kasama rin sa nasabaing movie project sina Ara Mina, Quinn Carillo, Bodjie Pascua at iba pa.

Gagampanan ni Ai-Ai ang papel ng isang lolang may Alzheimer’s disease na hindi kilala ang mga anak.

Nakaka-relate si Ai-Ai sa kanyang bagong role dahil nangyari rin ito sa kanyang biological mother na si Gloria.

Samantala, hindi maiwasan ng singer-actress-comedienne ang maging emotional sa tuwing mapag-uusapan ang tungkol sa IVF (in vitro fertilization) procedure pinagdaanan sa pagnanais nilang magkaroon ng sariling anak ng kanyang mister na si Gerald Sibayan. Ang masakit, hindi ito nabuo after two attempts.

Ai-Ai’s husband is 30 years her junior.

Samantala, pahinga muna si Ai-Ai sa pagbi-bake ng pastries dahil natanggap siyang activity director ng isang facility ng matatanda sa California, USA and in between ay patuloy rin siya sa paggawa ng shows and concerts.

Although simple ang buhay ni Ai-Ai at mister nitong si Gerald sa Amerika kumpara rito sa Pilipinas, ini-enjoy nila ito kahit wala silang katulong sa bahay.

Adjusted na silang mag-asawa sa kanilang buhay-Amerika.

Ang kanyang panganay naman na si Sancho de las Alas ay naka-base sa Pilipinas bilang actor at entrepreneur habang ang kanyang bunsong anak na si Sofia Vera ay nag-asawa na. Ang middle child niyang si Nicolo ay matagal nang naka-base sa Amerika.

Tiffany and Co. hosts dinner for Heart and Chiz in Paris

HeartHeart1Heart2MATAPOS ma-embroil in a separation issue nung nakaraang taon, celebrity couple Sen. Chiz Escudero and Filipino fashion icon, singer, actress, painter and entrepreneur Heart Evangelista seem to make up for the lost times since they got back together bago nagtapos ang 2022.

They went for post New Year’s date in Tokyo, Japan na kanilang sinundan in Paris, France where the singer-actress maintains her own place.

Heart holds the distinction of being the only Filipina celebrity na kilalang-kilala sa fashion world in Paris.

Tiffany & Co. hosted a dinner for the couple in Paris.

Although nasa magkabilang-mundo ang mag-asawang Sen. Chiz at Heart, the couple are seen as supportive sa kanilang respective careers.

Gina gusto pang magtrabaho

GinaAWARD-winning veteran actress Gina Pareno admits na bihira na umano siyang magkaroon ng trabaho ngayon pero gusto niyang ipaalam sa lahat na kayang-kaya pa umano niyang mag-memorize at mag-deliver ng kanyang mga linya.

“Gusto ko pang mag-trabaho,” aniya.

Inamin ng veteran actress na bored umano siya sa bahay nang walang ginagawa. Gusto niyang busy siya at umaaandar ang kanyang utak when she’s acting.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBI with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter @aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE